^

PSN Opinyon

Mga bahid ng korapsiyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISA lang ang hiningi ni Pres. Rodrigo Duterte kay Bernadette Romulo-Puyat, ang bagong Tourism secretary. Huwag mangurakot. Hindi naman bago si Romulo-Puyat sa gobyerno. Ilang administrasyon na rin siyang nagtrabaho bilang undersecretary. Kaya panahon na siguro para siya naman ang maging kalihim. Nangako naman na tutuparin niya ang utos ng Presidente, at pinahayag na walang magaganap na conflict of interest sa ilalim ng kanyang pamumuno. Maraming opisyal ang natuwa sa pagtalaga sa kanya sa DOT.

Kapansin-pansin ang mga utos ni Duterte sa mga bagong opisyal ng gobyerno. Sinabihan niya na ibalik ang dignidad sa DOJ kay Sec. Menardo Guevarra. Sinabihan niya si PNP chief Dir Gen. Oscar Albayalde na maging istrikto at mag-focus sa internal na disiplina. Dahil ba kabaliktaran ang ginawa ng kanilang mga pinalitan? Kaya siguro siya nagpahayag ng kalungkutan sa pagsibak sa mga kilala o kaibigan niya, dahil sa bahid ng korapsiyon.

Ano na kaya ang mangyayari kay Philhealth OIC Celestina Ma. Jude Dela Serna? Ayon sa COA, gumastos ng higit P600,000 si Dela Serna para sa kanyang pagbiyahe mula Tagbilaran-Manila, sa kabila ng pagkalugi umano ng Philhealth sa halagang halos P9 bilyon. Kung napansin ng COA, ibig sabihin may maling nagawa, at kailangan ng paliwanag. Ayon naman kay Dela Serna, may paliwanag para sa lahat ng gastusin, na sana ay bigyan siya ni Duterte ng pagkakataon para pakinggan ang panig niya. Iniimbestigahan na rin ng Palasyo ang isyu.

Nagsimulang makatanggap ng additional substance allowance (ASA) ang mga SAF na hindi nabigyan mula 2016 hanggang 2017. Nanggaling ang pera mula sa isinoling P37 milyon ng isa sa mga kinasuhang pulis ng pandarambong at malversation ng pondo. Nasa P60 milyon ang tinatalang hindi naibigay sa mga SAF. Mukhang paboritong numero ang P60 milyon ano? Nasaan na kaya ang balanse? At itutuloy ba ang kaso?  

vuukle comment

BERNADETTE ROMULO-PUYAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with