^

PSN Opinyon

Mabuhay Team: ‘Bello-Roque-Mamao’!

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ITO ay pagbibigay-pugay sa isang team ng ating government officials na naatasan ni President Duterte na ayusin ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait.

Nagkagulo ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait dahil nga sa controversial na video ng rapid rescue operations na ginawa para sa pagsagip ng mga distressed overseas Filipino workers na na-upload ng Department of Foreign Affairs officials.

Ang gulo ay umabot pa nga sa pagdeklara ng persona-non-grata ng ating Ambassador sa Kuwait na si Renato Villa at ang pag-recall ng Kuwait Ambassador to the Philippines na si Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

At nagdeklara na rin ang Pangulo na papauwiin niya ang may higit 260,000 OFWs sa Kuwait kung gayon man lang na hindi nga mapangako ng Kuwait na ayusin ang pagtrato sa ating mga kababayan.

Ngunit nagkaroon na rin ng pag-asa na muling  magkaayos ang Pilpinas at Kuwait dahil nga sa mga ginanap na pag-uusap na hindi naisapubliko muna. 

At hanggang sa napag-utusan nga ang team nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Presidential Spokesman Harry Roque at higit sa lahat si Abduliah Mamao na siyang Presidential Adviser on the OFWs at Special Envoy natin sa Kuwait na pumunta na nga nitong nagdaang Martes ng gabi sa nasabing bansa. 

Kaya naging matagumpay naman ang pag-uusap ng team ni Bello, Roque at Mamao sa mga Kuwaiti officials hanggang sa nalagdaan na nga noong isang araw ang nasabing Memoradum of  Agreement sa pagitan ng dalawang bansa sa layuning magkaroon ng better treatment ng ating OFWs doon.

Hayon, naiayos na rin ang relasyon ng Kuwait at ng Pilipinas. At heto ang parte ng speech ni President Duterte sa Marawi noong isang araw na nagbigay-pugay sa team nina Mamao, Bello at Roque:

“Si… si ano, si Mamao, ewan ko. Andoon sa Kuwait. Baka pinutulan na ng ulo ‘yan doon, ang buang.

Sabi ko, “ayusin mo kasi hindi man maganda ang usapan.” Sabi ko sa kanya… Brod ko ‘yan eh. Brod ko, classmate ko pa first year hanggang fourth year. Magkaintindihan kami niyan kasi puro Maranao kami.

Sabi ko, “brod, punta ka doon sa Kuwait. Kausapin mo ang liderato at sabihin mo sa kanila na ang aking hinihingi,” sabi ko, “one message, ‘salaam.’ ‘Yan lang ang sabihin mo.” O so ngayon, naayos na.

Sabi ko kay Dabs, “huwag ka makialam diyan kay Special Concerns. Andiyan si Bello. Bello should sign because siya ‘yung Labor Secretary eh.”

Pero hanggang ngayon hindi pa man umuwi. Either nakakita ‘yun ng ibang asawa o pandagdag. Nandito… kasi baka andito asawa ni Dabs. Dabs is a decent man. Matagal kami nagsama niyan.

So nandoon sila, nandito --- baka signing today. Ang hiningi ko, papayag ako i-lift ang ban ang mga ano but the last victim na pumunta dito, Maranao ha. ‘Yung lahat na… She was a Maranao girl na pinagpapalo --- ah Maguindanao rather.

Kaya kung maaari lang dito na lang muna kayo. Mahirap mag-depensa sa ating mga kababayan.

Pero hiningi ko seven hours of sleep, makaluto silang sariling ulam nila, pagkain. Hindi man sila sanay ng ano, ‘yung pagkain natin; tapos ‘yung cellphone nila hindi agawin; ‘yung passport ang may hawak ang ating Embassy, at may dayoff sila. One…

So ‘pag na-comply ‘yan… and no physical abuse. Tapos ‘pag may complaint, ang unang tawagan nila, may special police para lang sa Pilipino, kung inaabuso sila, makatawag sila sa atin.

Kung nandiyan lahat ‘yan, sabi ko “okay ako.” Tumawag kanina si Dabs, sabi niya, “mukhang okay na. Naipasok na lahat.” Sabi ko, “sige. Magpirma kayo diyan. Hindi na ako pupunta. Balang araw,” sabi ko.”

vuukle comment

PHILIPPINES AND KUWAIT RELATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with