^

PSN Opinyon

OFW na nabahiran ang pangalan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANGALAN ang pinakamahalagang bahagi ng pagkatao ng isang indibidwal. Dahil dito madali malalaman ang iyong pagkakakilanlan. Paano na lamang kung paggising mo isang umaga may bahid na palang masama ang pinaka iniingatan mong pangalan?

‘Yan ang kuwentong inilapit sa BITAG Headquarters ng isang dating OFW. Hiling niya, matulungan siyang malinis ang kanyang pangalan.

Enero ng kasalukuyang taon nagpunta raw mismo ang biktima sa National Bureau of Investigation at dito napag-alaman niya na may hit ang kanyang pangalan.

Masama pa nito, wala siyang kaalam-alam na may nakabinbin na palang kaso laban sa kanya. Ang kaso large scale estafa sa Isabela noong Abril 2014. Pinagtataka ng pobreng biktima, nakaalis at nakapagtrabaho pa siya sa ibang bansa noong Setyembre ng parehong taon.

Suspetsa niya, ‘yung pinagkakatiwalaan niyang ahente ang nagpanggap at gumamit sa kanyang pangalan. Taon 2012 kasi noong nag-apply siya papuntang Singapore. Ta­nging ang ahente lang daw kasi na ito ang pinagbigyan niya ng kaniyang mahahalagang dokumento.

Agad kaming nakipag-ugnayan sa Public Information Officer ng NBI na si Ginoong Nick Suarez. Aniya, mas mabu­ting papuntahin ang ginang para personal na makausap at mahingi ang detalye para masimulan ang imbestigasyon.

Dagdag pa niya, parami nang parami ang mga natatanggap nilang reklamo tungkol sa identity theft. Kaya patuloy ang NBI sa pagsugpo sa ganitong klase ng krimen.

Dahil sangkot ang recruitment agency na Chosen Divine Mercy Corporation, inilapit din namin sa Deputy Adminis­trator ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na si Atty. Aristodes Ruaro ang reklamo. Pangako nila, tutulong sila sa pag-iimbestiga.

Base sa pag-aaral ng Unisys Security Index 2017, nangu­nguna ang kaso ng identity theft sa security concern ng mga Pilipino. Siyam sa 10 Pilipino ang nag-aalala sa maling paggamit ng kanilang personal na impormasyon.

Kaya payo ni Atty. Ruaro, ‘wag mag-atubiling i-double check ang ahensya na ina-applayan para iwas perwisyo at sakit sa ulo. Payo naman namin sa inyo, ‘wag agad ibibigay ang personal na impormasyon at magtitiwala kung kani-kanino. Magsilbi sana itong aral sa inyo para hindi kayo maloko.

vuukle comment

BITAG HEADQUARTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with