^

PSN Opinyon

Pagsara sa Boracay leksiyon sa resorts

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAKATARUNGAN man o hindi, sarado ang Boracay Island­ sa turismo nang kalahating taon. Isa lang sa bawat tatlong hotels, malls, at restoran ang lumabag sa mga batas sa kalikasan, kalinisan, at kalusugan. Pero lahat sila ay napinsala sa pasya ng Department of Interior and Local Go­vernments, Environment and Natural Resources, at Tourism. Pati mga airlines at nagbabangka, nagdadala ng pagkain at nagtuturo lumangoy ay mawawalan ng kita -- umano’y kabuuang P56 bilyon kada taon.

Tinawag ni Presidente Rody Duterte na mala-pusali ng dysentery ang tubig-dagat sa paligid ng islang tinagurian sa mundo na paraiso. Kasi halos 300 gusali ay walang poso-negro at hindi nakakabit sa sewerage. Mas marami pa ang salaula sa basura sa mala-pulbos na puting buhangin, alingasngas sa hangin, at ingay sa lahat ng sulok. Aayusin lahat ‘yon habang sarado ang Boracay.

Magsilbing leksiyon sa iba pang resorts ang sinapit ng Boracay. Kundi’y baka umangal ang mga turista, at sila rin ay masara.

Ngayon pa lang ay sumunod sila sa sanitation: humukay ng poso-negro, kumabit sa sewer pipes, at maglagay ng water treatment at waste recycling. Gibain ang mga gusali na 30 metro lang mula sa pampang, o sa loob ng gubat, o sa slope na mahigit 20 degrees. Linisin ang mga kusina; alisin ang mga aso, pusa, daga, at ipis. Iligpit ang maiingay na makina, kasama ang malalakas na videoke. Palitan ang mauusok, kasama ang tricycles at lumang jeepneys.

Tigilan na nila ang panunuhol sa opisyales para maka­lusot sa mga paglabag sa batas.

Tigilan na rin ng mga lokal na opisyales, pati sa environment at tourism, ang paghingi ng lagay, at kapabayaan. Pa­alisin nila ang mga lumalabag sa batas, imbis na kanlungin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BORACAY ISLAND­S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with