^

PSN Opinyon

Mga ahensiya ng gobyerno

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SIMPLE lang ang ini­utos ni DOJ Sec. Menardo Guevara kay BuCor Director Ronald dela Rosa: Sugpuin ang iligal na droga sa bilibid. Wala nang palamuti. Kasi, maraming salita si Dela Rosa. Siya raw ang siga sa Bilibid. Sana ipakita na lang niya ang resulta ng paglinis niya ng Bilibid. Hindi naman nawala ang droga noong siya ang PNP chief, na pangako ni President Du­terte na sa anim na buwan, wala nang droga sa Pilipinas. Inamin ni Duterte na hindi kaya.

Sa ibang ahensiya naman, nagbitiw na si Tourism Sec. Wanda Teo dahil sa sa paglagay ng mga komersiyal ng DOT sa palabas ng kanyang mga kapatid sa PTV-4. Iginiit na walang ginawang mali dahil PTV-4 ang kanilang kausap, at hindi alam kung saang palabas ilalagay ang ka­nilang mga komersiyal. Pero ganun nga, hindi maganda tingnan. Bukod doon, may mga tanong ang COA sa isyu. Ibabalik daw ng magkapatid na Tulfo ang P60-milyon. Iimbestigahan ng Ombudsman ang kontrobersya. Mukhang hindi pa ito tapos. 

Ipinalit kay Teo si Agriculture Usec. Bernadette Romulo-Puyat na isa sa mga kaibigan ni Duterte. Sa talumpati ni Duterte matapos bumitiw si Teo, binanggit niya na masakit sa kanyang loob ang pagsibak sa mga opisyal na malapit sa kanya. Sila rin umano ang naghikayat sa kanya na tumakbo. Kung mga malapit sa kanya ang nasibak na, baka sa ibang ahensiya naman ilagay matapos ang ilang buwan, tulad nina Faeldon at La Viña.

Dumadaing ang mga pribadong ospital sa bil­­yong utang ng Philhealth. Nagbanta na nga ng “hos­pital holiday” kung hindi pa rin mababayaran. Isang solusyon ay ang pagtang­gal sa accreditation ng ospital, para hindi na kailangang serbisyuhan ang mga miyembro ng Philhealth. Siyempre ang kawawa ay mga miyembro. Ang OIC ng Philhealth ay may kontrober­sya rin na naungkat ng COA. Mga ginastos sa pagbibiyahe at iba pa sa kabila ng pagkalugi ng Philhealth ng P9 bilyon. Paliwanag ng OIC, may pambayad naman daw sa mga ospital. Tulad ng sinabi ko, bising-bisi ang COA sa mga ahensiya ng gobyerno.

vuukle comment

BUCOR DIRECTOR RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with