^

PSN Opinyon

Hindi na mababawi

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nagpaha­yag ng pagkabahala sa balita na naglagay na ng missiles ang China sa tatlong nilikhang isla na inaangkin din natin. Ang missiles ay maaaring ga­­mitin sa mga barko at eroplano. Nang kumalat ang balita, halos aminin ng China ang paglagay ng missiles at nagpaha­yag na wala naman daw dapat ikabahala ang si­nu­mang walang inten­syon na lusubin ang ka­nilang teritoryo. Hindi rin daw dapat gawan ng isyu, dahil gagawin nila ang gusto nila sa kanilang teritoryo. Kaya ayan, malinaw na sa ka­­nila ang mga isla at ipagtatanggol nila kung kinakailangan.

Nagbabala ang US sa ginagawang milita­risasyon ng China sa karagatan. May kahihinatnan daw ang mga kilos na iyan, pero walang binigay na detalye. Hinikayat din ni Vice President Robredo ang administrasyon na magsampa ng diplomatic protest sa China. Tandaan na sinabi ng China na gamit-sibilyan ang mga isla. Ngayon, may missiles na. Baka hindi magtagal may mga eroplano at barkong pandigma na naka-istasyon d’yan. Sinisi ni Pres. Rodrigo Duterte ang US at nakaraang administrasyon. Naglabas naman ng pahayag ang Palasyo na nababahala ang bansa sa kilos ng China, at idadaan sa diplomasya ang isyu. Hindi ba dapat ngayon natin pinalalakas ang mga kasunduan at relasyon sa ating mga kilalang kaal­yado, tulad ng US, Japan at Australia? Hindi na ba tinuturing ng administrasyong ito na kaalyado ang US, kaya sinisisi? 

Hindi raw sa atin na­katuro ang missiles, ayon kay Duterte. Sigurado na ba siya? Kung lumayag ang mga barkong pandigma natin sa karaga­tan, o lumipad ang ating mga eroplanong militar o pampasahero sa himpapawid dahil malaya namang gawin ang mga ito, hindi kaya ituro nila ang missiles na iyan ha­bang tinataboy para masindak ang mga piloto at mandaragat? Halos buong karagatan ang ina­angkin ng China, kaya ang paglayag at paglipad ng ibang bansa ay pinupuna at tinataboy nila.
 Hindi dapat isinantabi ang pagkapanalo sa UN Permanent Court of Arbitration, na lumabas noong panahon ni Duterte. Ang basa ng China ay wala nang interes ang bansa na angkinin ang mga isla. At dahil humihingi ng tulong pinansyal ang administrasyon sa kanila, nawalan ng ngipin ang pagkapanalo. Paano rin magigiit ang pagkapa­nalo ngayon, kung mali­naw na hindi na maba­bawi ang mga isla?

vuukle comment

MISSILES ANG CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with