^

PSN Opinyon

Ano ang kapalit sa tulong ng China?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANANG Department of Finance (DOF) may sapat na pondo ang administrasyong Duterte para masustine ang “Build, build, build Program nito. Ito ang programang magtatayo ng lahat ng imprastruktura na magpapainog sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Kabuuang $36 billion ang pondong magugugol dito. Malaking bahagi ng pondo ay mula sa bansang China.

Bilyun-bilyong pisong halaga ng pautang at grants o ka­loob ang ibibigay ng China, ngunit ang tanong, ano ang magiging kapalit? Ito kaya ay ang pagwawalang-kibo ng Pilipinas sa militarisasyong ginagawa ng China sa West Philippine Seas na ang pinakahuling pangyayari ay ang pag­tatalaga ng mga cruise missiles ng natu­rang bansa sa bahagi ng karagatang nasa loob ng EEC (Exclu­sive Economic Zone) ng Pilipinas?

Nakakabahala lalu pa’t wala tayong naririnig na kon­kre­tong hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang lumulubhang situwasyon. Ni wala tayong nababalitaang planong magsampa ng diplomatic protest laban sa China.

Ang House of Representative at Senado ay nagbabalak magsagawa ng magkahiwalay na pagsisiyasat sa insidenteng ito at nawa’y makabuo ng angkop na hak­bang para mapigilan sa pagsahol ang situwasyon sa pinaga­gawang karagatan.

Maaaring napaka-mapag-akit ng alok na tulong ng China at tayo naman ay sunggab nang sunggab. Dapat marahil ay mag-isip-isip tayo at baka kapag nalubog na tayo sa utang na loob, hindi na tayo makakaayaw sa lahat ng gustuhin ng China.

Dapat nating isipin na sa kasalukuyang geopolitical situa­tion, nais ng China na makontrol ang rehiyon dahil ang kahulugan nito ay karagdagang kapangyarihan para tingalain ng ibang bansa bilang world power na mas malakas pa kaysa Amerika.

vuukle comment

BUILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with