^

PSN Opinyon

Tiwali mabibisto sa audit ng NFA

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TATLONG isyu ang lumitaw sa imbestigasyon ng Senado sa pagkaubos ng murang bigas ng National Food Authority.

(1) Bakit hindi namakyaw ang ahensiya ng palay nu’ng huling tag-ani, Oktubre-Disyembre? Salaysay ng agri­culture officials, bulto-bultong palay ang binibili ng mga kuripot na grains traders mula sa magsasaka ng P13.50 lang kada kilo. Kung sumingit sana ang NFA sa presyong P17.50/kilo, napalaki sana ang kita ng magsasaka sa Bicol, Mindoro, at Palawan. Nagkaroon din sana ng murang bigas para sa mga maralita.

Sagot ng NFA, sertipikado ng mga samahang nayon doon na walang gan’un kamurang palay. Kung meron mang tinanggihang pakyawin ang NFA, ‘yon ay mga naba­hang palay, madaling mabulok dahil mahigit 40% ang moisture content.

(2) Bakit naubos agad ang 250,000 tonelada ng bigas na bagong import ng NFA nu’ng 2017? Dumating ang naturang imports mula Thailand nu’ng Oktubre-Dis­yem­bre. Batay sa karanasan mula pa 1972, dapat tumagal ‘yon hanggang kasunod na 4-6 na buwan, ayon sa NFA Council na nagbabantay sa ahensiya.

Sagot ng NFA Management na kasalanan lahat ng Council. Pinigilan umano ng huli ang pag-import ng dagdag pang 250,000 tonelada para sa 2018. Hindi naipaliwanag ang pagkasaid ng bigas.

(3) Ano ang umano’y “laon” na bigas ng NFA na ibinenta nu’ng Hunyo-Nobyembre? Paratang ng mga senador, batay sa info mula sa loob ng ahensiya, ibinenta umano ng central office nang mura sa tatlong traders sa Bulacan ang bigas sa mga bodega. Pinalabas na “laon” na ang imported na imbentaryo nu’ng 2016 at unang dating na imports nu’ng 2017. Nagpartehan sa ilegal na tubo ang mga magkaka-kutsaba.

Sagot ng NFA na ang 700,000 sako na ibinenta nito ay lumang bigas na mula 2014-2015. Pero kinontra ito ng mga nakaraang opisyales: naibenta na raw nila ang 2014-2015 stocks bago sila umalis nu’ng 2016.

vuukle comment

NATIONAL FOOD AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with