^

PSN Opinyon

Doble na ang suweldo….

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“DOBLE na nga ang suweldo, gaganyan-ganyan pa sila”. Ito ang pahayag ni Sr. Supt. Joselito Esquivel nang ila­gay na sa restrictive custody ang 10 pulis mula sa QCPD, ang isa ay hepe pa ng QCPD-11 Special Drug Enforcement Unit (SDEU), dahil sa reklamong pangi­ngikil. Pati ang Station Commander ng QCPD-11 ay ni-relieved din, para magbigay-daan sa imbestigasyon. Inulit ni NCRPO Chief Dir. Camilo Cascolan ang babala sa mga tiwaling pulis, na hindi palalampasin ang mga tiwa­ling pulis, at aaksyunan kaagad batay na rin sa utos ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na linisin ang mga miyembro.

Dalawang pulis ang sinibak din ni Albayalde dahil sa kanilang pagmamaneho ng mga kolorum na sasakyan. Mga matataas na ranggo ang dalawang pulis. May mga sticker pa ng Office of the President (OP), siguro para hindi pansinin ng mga pulis. Nahuli naman sila ng I-ACT at LTFRB. Hindi ako magtataka kung nagpakilalang mga pulis nang mahuli sila, at sinubukang pakawalan na lang sila. Baka binida pa ang sticker ng OP.

May kampanya namang Oplan Tokhang ang PNP-HPG sa mga sasakyang mahilig gumamit ng wangwang o sirena para maging abusado sa kalsada, kahit mga pulitiko pa. May hotline, 7444-474 para matawagan at ipa­alam kung sino ang mga sasakyang umaabuso nito. Sana nga, at tila dumami ang mga iyan nang magpalit ang administrasyon. Ang administrasyong Aquino ang naging mahigpit sa mga wangwang na iyan. Pero hindi ba may mga opisyal ng ibang nakaraang administrasyon na ibinalik sa posisyon? Kaya ba bumalik ang mga wang­wang na iyan? Sitahin na rin dapat ang may mga sticker ng kung anu-anong tanggapan ng gobyerno. Walang silbi ito kundi maging abusado, o paboran sa kalsada. Sinasaluduhan pa minsan ng pulis o traffic enforcer.   

Napansin ko rin na sunud-sunod na mga pulis ang nahuhuli ngayon, dahil sa iba’t ibang paglalabag ng batas. Dahil ba sa pagiging mahigpit at istrikto ni Albayalde? Mabuti nga at hindi lang mga push-up ang parusa nila. At walang batayan talaga ang pahayag na ang pagtaas ng sahod ay magbabawas na sa mga tiwaling pulis. Katulad ng pahayag ni Esquivel, itinaas na nga, wala rin. Baka dahil nakatikim ng maraming pera, ang gusto mas marami pa.     

vuukle comment

SR. SUPT. JOSELITO ESQUIVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with