^

PSN Opinyon

Huwag mag-alala: Dukha lang ang walang bigas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI maikakaila, said na ang murang bigas ng National Food Authority. Saan mang pampublikong palengke, wala nang binebentang bigas sa subsidized na presyong P27 kada kilo. Sarado ang mga tindahan ng tinalagang NFA retailers. Enero pa lang nagsimula nang maubos ang kanilang tindahin. Hindi na nadagdagan ng NFA. Pebrero nang aminin mismo ng NFA na limang araw na lang ang natitirang bigas sa mga bodega nito. Buwan na ang lumipas mula noon.

Nagbubulaan ang mga opisyales ng Malacañang na nagsasabing, “Huwag mag-panic, maraming komersiyal na bigas sa pamilihan.” Totoo ngang naglipana ang komersiyal na klase. Bukod sa masaganang ani nu’ng Oktubre-Disyembre, matindi rin ang smuggling ng binhi. Pero binebenta ‘yon nang P40-P60 kada kilo -- para lang sa mga may pera.

Kalupitan pang ipagduldulan ng mga opisyales na “5% lang ng pambansang supply ang bigas ng NFA, kaya bale-wala ‘yon.” Aba’y nabubuhay ang 8% pinaka-maralita sa murang bigas ng NFA. Sa pagmamaliit nu’n, para na rin sinabing huwag mag-alala dahil mga dukha lang ang walang bigas. Tama na, sobra na.

Ang isyu ay bakit naubos ang murang bigas.

Malinaw na sumablay ang NFA. Tatlo ang tungkulin ng ahensiya:

(1) Mag-imbak ng pambansang emergency buffer stocks na sapat sa 15 araw, at 30 araw pa nga kung tag-tuyot tuwing Hulyo-Setyembre;

(2) Pumakyaw ng palay mula sa mga magsasaka tuwing tag-ani, para hindi sila apihin ng mga kuripot na malalaking grains traders; at

(3) Maglaan ng sapat na murang bigas, P27/kilo, para sa mga maralita, sa lahat ng pampublikong palengke.

Inimbestigahan ng Senado ang kapalpakan, at pinanukala nito na sibakin ang pamunuan ng NFA.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

MALACAñANG

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA RETAILERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with