^

PSN Opinyon

Gusot ng Phl-Kuwait dapat ayusin agad

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng Malacañang tuluy-tuloy pa rin ang pag-uusap ng Pilipinas at Kuwait upang maayos ang sigalot na namamagitan sa dalawang bansa.

Dapat talagang gamitin ng pamahalaan ang pinakamataas na antas ng diplomasya para maibalik ang ma-buting ugnayan ng dalawang bansa na nasira kasunod ng  kontrobersyal na rescue mission sa mga inaabusong OFWs sa pangunguna mismo ng  ilang opisyal ng ating embahada roon.

Hindi dapat maglubha ang nasirang relasyon sa kapakanan ng marami pa ring Pilipinong nagtatrabaho sa Kuwait na maaring dumanas ng ibayong pagmamaltrato kung hindi mapaplantsa ang sigalot ng dalawang bansa.

Totoong kailangan ng Kuwait ang mga manggagawang Pilipino at nakita na natin kung paano “umaray” ang nasabing bansa nang magdeklara ang Pangulo ng suspension sa deployment ng mga manggagawa roon matapos ang pamamaslang sa isang Pinay doon na isinilid pa sa freezer.

Pero may tinatawag tayong national pride na kapag masyadong nasaktan ay posibleng makawasak sa magandang relasyon. Kaya tamang ipagpatuloy ang pag-uusap para maibalik ang dati nating magandang ugnayan. Sa mga panahong ito, mahalaga pa rin ang nationalism pero dapat ding pahalagahan ang internationalism lalu pa’t ang lahat ng bansa at nagiging dependent sa bawat isa.

Ngunit habang may mga ginagawang negosasyon, dapat muna sigurong manahimik si Presidente Duterte at baka makapagbitiw na naman ng mga  mararahas na salitang gagatong lamang sa galit ng pamahalaan ng Kuwait.

vuukle comment

MALACAñANG

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with