^

PSN Opinyon

Mas maging pasensiyoso

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINIBAK ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang tatlong pulis na nakuhanan ng video na nakikipagtalo sa isang sibilyan. Kuha sa video ang tatlong magkakapatid na pulis na nakikipagtalo, pinagmumura at binantaan ang sibilyang nakagitgitan sa kalsada. Hindi nakauniporme ang mga pulis pero armado. Nahaharap na sila sa ilang kaso dahil sa kanilang ginawa. Hindi puwedeng magdala ng baril ang pulis na hindi nakauniporme, lalo na’t may gun ban dahil sa eleksyon. 

Sana nga ay mabawasan na ang mga ganitong insidente kung saan walang laban ang sibilyan. Ano ang nasa isip ng tatlong magkakapatid nang puntahan nila sa tahanan na may dalang baril? Kung “manlaban” ba ay babarilin? Mabuti na lang at maraming may dalang camera ngayon at nakunan ang insidente. Isipin na lang noong araw. Kung walang video, kung anu-anong kuwento ang maaaring lumutang.

Pero bakit nga ba may mga ganitong pulis ngayon? Dahil ba sa suporta na ibinibigay ni President Duterte sa mga pulis? Dahil ba ang paniniwala ay sasaluhin sila ng PNP at DOJ noong panahon ni General Dela Rosa at Secretary Aguirre? Iba na ang hepe ng PNP, at iba na ang kalihim ng DOJ. Kumilos nga kaagad ang hepe ng PNP sa naganap na insidente. Sana mabilis din ang takbo ng mga kasong isasampa sa kanila.

Pinaalalahanan ni Albayalde ang mga pulis na mas maging pasensiyoso sa mga sibilyan, dahil sila nga ay nagsisilbi sa publiko. Walang mas tumpak pa sa paha­yag na iyan. Katulad ng tatlong magkakapatid na pulis, na nakuhang puntahan pa sa bahay ang nakagitgitan. Wala naman yatang nasaktan sa gitgitan. Kung pinabayaaan o pinagpasensiyahan na lang at pulis nga silang tatlo, wala na sanang problema. Pero mas ginusto nilang manakot, magmura, mag-iskandalo at magbanta. 

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

VIDEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with