^

PSN Opinyon

Anong gagawin mo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UMABOT sa 207 pangalan ang nasa listahan ng PDEA na sangkot sa droga. May 90 barangay chairman at 117 kagawad. Inutos daw ni President Duterte na ilabas sa publiko ang listahan. Malapit na ang halalan, kaya ito siguro ang paraan para ipaalam sa publiko kung sino-sinong mga tumatakbo ang nasa listahan. Tiniyak naman ni PDEA chief Aaron Aquino na hindi ito “hitlist”. Bibigyan pa nga raw ng proteksyon ng PNP habang tuloy ang imbestigasyon sa kanila, para mas matibay daw ang kasong isasampa.

Ilan sa inyo ang napapailing na lang, o di kaya’y tuma­taas ang kilay? Ilan na ang mga sumuko sa PNP itong mga nakaraang taon, para lang mapatay ng mga hindi kilalang tao, minsan sa kanilang tahanan pa? Ilan ang napatay na sangkot umano sa iligal na droga, na wala nang pag-iimbes­tiga pa? Mabilis nga ang reaksyon mula sa ilang mga nasa listahan. May napaiyak at hindi makapaniwala na sila’y na­sama sa listahan. May mga nagalit at nanghamon ng drug test para patunayan na hindi sila sangkot sa droga. May mga umamin na dating gumagamit, pero nagbago na.

Ano nga naman ang gagawin mo kung nasa listahan? Hindi nakapagtataka kung matakot para sa iyong buhay. Patuloy naman ang balita ng mga napapatay ng pulis na “nanlaban” umano. Iba na ang hepe ng PNP, pero nagpapatuloy ang madugong kampanya kontra iligal na droga. Hindi ko alam ang gagawin ng mga nasa listahan, na malinaw ay naakusahan na. Dapat bang sumuko na lang sa PDEA? Ano ang mga kailangan nilang gawin para patunayan na sila’y hindi sangkot sa droga pero akusado na, mula sa PDEA pa? Kung sangkot nga sa iligal na droga, dapat umamin na siguro para maaresto at makulong. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila, sa kamay ng hindi pa makilalang mga salarin.

vuukle comment

DROGA

PDEA

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with