^

PSN Opinyon

Ano bang problema sa narco list?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nagtaasan ang kilay at umatungal sa planong pagsapubliko ng narco list. Sigaw ng ilan, violation of human rights o kaya nama’y may bahid ng pulitika.  

Madaling haluan ng malisya, lalo na’t ilang tulog na lang, eleksyon na. Sa mapaglaro ang isipan, isa ‘tong poli­tical­ tool para masiraan ang kalaban.

Dumiretso na’ko kay PDEA Director-General Aaron Aquino para pag-usapan ang mainit na isyu. Unang banat, gaano ka-reliable ang kanilang listahan?

Ano bang integridad nitong kanilang narco list? Baka naman galing lang sa kanto ang kanilang intel at ‘di pa validated.

Sagot ni General Aquino, ito’y resulta ng combined efforts ng apat na ahensya. Isang sangay lang nito ang PDEA para may check and balance.  

Maraming hakbang ang pinagdaanan ng listahan at ina­asahan nilang dadami pa ang bilang ng nakasulat dito. Tanong, bakit ngayon kailangang ilabas?

The people have the right to know, sabi ni General Aquino. And he’s right.

Balikan natin ang mga dati kong analysis, mag-ingat sa pagboto. Ngayon, pati ang hepe ng PDEA na ang nagsa­sabi, kilatising maigi ang mga kandidato.

Iwasan ang mga pulpolitikong sangkot sa droga dahil sa huli, kayo rin ang magsisisi. Sama n’yo na rin ang mga pulitikong, di nga sangkot sa droga, wala namang ginawa.

Mga nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan sa estado ng kanilang nasasakupan. May nangyayari sa lugar niya pero di nirereport. Gigil dito si Gen. Aquino… sino ba naman ang hindi?

Talagang di matatapos ang problema sa droga kung mismong barangay ang pasimuno. Accountable kayo sa tao at sa publiko.

Para naman sa mga botante, ngayon alam n’yo na kung sino ang di dapat iboto.

Full episode ng unfiltered interview ko kay Director Aquino, abangan mamaya 5:30 - 6:00 pm sa PTV.

vuukle comment

NARCO LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with