^

PSN Opinyon

Walang ‘endo’ kapag lahat merong trabaho

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAND-AID o pantapal na solusyon lang sa “endo” (end of contract) ang iniisip ng gobyerno. Magsasabatas ito ng security of tenure ng mga empleyado. Oobligahin ang mga kompanya na ituluy-tuloy ang pag-empleyo sa mga manggagawa hanggang makabuo ng anim na buwan o mas maiksing probationary, tapos gagawin nang permanent status para hindi basta maari i-layoff sang­­­a­yon sa Labor Code. Akala ng mga trade unions, ito ang ultimong ikabubuti ng mga empleyado na ginagawang parang mga trapo na itatapon na lang matapos gamitin. Umaangal naman ang employers dahil malulugi umano sila sa sapilitang pag-eempleyo ng mga tao.

Ang totoong maghihinto sa “endo” ay full employment. Ibig sabihin nito, lahat ng tao na maaring mag-empleyo -- alisin ang mga negosyante at self-employed -- ay may trabaho sa kung anong tanggapang pribado o gobyerno.

Tulad ito sa ilang mauunlad na bansa sa Europe, o sa California, USA. Doon halos lahat ng lalaki at babae na mayor de edad, pati seniors at may-kapansanan, ay may trabaho -- sa mga pabrika, opisina, tindahan, restoran, ospital, ahensiya, atbp. May law of supply and demand din sa labor. Dahil lahat may trabaho, nagkukulang ang mga empleyado -- kaya lahat sila ay pinahahalagahan ng mga employers. Hindi sila sinisibak, kasi magkukulang ang trabahador. Palagi pa nga naghahanap ng dagdag na emple­yado ang employers, kaya nag-aalok sila ng malala­king suweldo at benepisyo para maka-akit. ‘Yon ang dahi­lan­ kung bakit ang mga bansang ‘yon sa Europe ay nag­re-recruit ng mga dayuhang propesyonal, o kaya gumagawa ng robots para sa mga ilang uri ng trabaho. ‘Yun ang dahilan kung bakit sa California, tuwing high school break, nagre-recruit ang mga tindahan sa malls ng mga estud­yante para tumulong magbenta at magsilbi sa restoran. Sa labor benefits sa mga pook na ‘yun kasama ang paternity leaves at maiikling oras ng trabaho.

vuukle comment

EMPLEYADO

END OF CONTRACT)

ENDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with