^

PSN Opinyon

Security of tenure bill tutuldok sa ENDO

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGBABALAK na magdaos ng kilos-protesta ang mga manggagawa sa Labor Day dahil sa pagsira ni Presidente Duterte sa pangakong siya mismo ang tatapos sa kontrobersyal na ENDO sa pamamagitan ng executive order.

Huwag sanang mawalan ng pag-asa ang mga manggagawa at abangan ang panukalang Security of Tenure­ Bill na isinusulong ni Rep. Karlo Alexei Nograles. Si Nograles na Tagapangulo ng House Appropriations Com­mittee ay isa sa mga pursigidong nagsusulong ng House Bill 6908. Ang bill na ito ang sinuportahan ng 199 mambabatas upang tapusin na ang “Endo”.

Malaking problema ng mga obrero ang ENDO o “end of contract”. Imbes na ma-regular matapos ang anim na buwang pagtatrabaho sa alin mang kompanya, tinatapos agad ang kontrata nila makalipas lang ang limang buwan. Ito ay para makaiwas ang mga tusong kom­panya sa pagbibigay ng mga benipisyo na dapat ibigay sa mga regular na empleyado.

Unang ipinanukala ni Nograles ang House Bill 170 para amyendahan ang Labor Code na siyang magpapa­lakas sa tinatawag na “security of tenure” ng mga mang­gagawa. Ito ay isinama naman sa mga iba pang panukala ng Mababang Kapulu­ngan.

Tama si Nograles. Nasasamantala ang ENDO ng ilang kompanya. Bagaman at mayroon pangangaila­ngan ang ilang kompanya na tinatawag na seasonal tulad ng Pasko na kailangang kumuha sila ng ekstrang tao para magsilbi sa publiko, madalas ay ginagamit na excuse ang ENDO para maiwasan ang pagbibigay ng bene­pisyo ng mga kompanya kahit limpak limpak ang kinikita nila.

Mapapatunayaan ito  sa idinedeklarang kita sa BIR ng mga kompanya taon-taon.

Kaya ani Nograles, dapat masusing pag-aralan ang usaping ito para patas ang laban. Win-win ika nga sa mga kawani at may-ari ng mga pagawaan o kompanya. Higit sa pagiging makatao, ang pagwawakas ng endo o paghahanap ng solusyon para makatulong sa ating kapwa ay isang malaking hakbang sa pagsulong ng ating bansa,” ang mariing pahayag ni Nograles.

vuukle comment

ENDO

LABOR DAY

PRESIDENTE DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with