^

PSN Opinyon

Dictatorial policy?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA raw “dictatorial door policy” ang nais ni Presidente­ Duterte na salain ang mga dayuhang papayagang maka­pasok sa bansa.

Ito ay matapos kanselahin ng Bureau of Immigration o BI ang missionary visa ng 71-taong gulang na si Sr. Patricia Fox na nagmisyon sa Pilipinas sa loob ng  27-taon ngunit ipinadampot kamakailan dahil sumasali raw sa mga anti-government protest rallies. Nanilbihan ang madre sa kapakanan ng mga mararalitang Pilipino at ito man lang ay dapat mapansin ng gobyerno para huwag ituloy ang kanyang deportasyon.

Hindi naman daw umiiral sa bansa ang diktadurya kaya hindi dapat ang ganyang polisiya. Ayon kay Dean Antonio La Viña, dating Dean ng Ateneo School of Go­vernment, hindi maaaring basta na lamang kontrolin ang pagpapapasok sa bansa ng mga dayuhan tulad na lamang ng pagtrato ng Bureau of Immigration sa Australian missionary-nun na si Sr. Patricia Fox.

Tama naman si La Viña. Kahit sa panahon ng rehimeng Marcos, marami ang mga dayuhang pari at madre na hindi itinaboy ng pamahalaan sa kabila ng kanilang mga puna at pakikibahagi sa mga panawagan ng mamamayan sa mapang-abusong pamamahala.

Sa mga pangyayaring ito ay nakakapagpinta ang administrasyon ng hindi magandang imahe ng ating bansa sa harap ng world community of nations. Marahil, puwe­deng pigilan sa pagpasok sa bansa ang sino mang dayuhang nakagawa ng napakabigat na kasalanan na puwedeng basehan para sila’y ideklarang persona non-grata.

Hindi makabubuti ang naipipintang imahe ng Pilipinas sa patuloy nating pag-akit ng mga dayuhang turista at mamumuhunan sa bansa lalu pa’t nagpapahiwatig na mabilis tayong tumatahak sa daan patungong diktadurya.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DICTATORIAL DOOR POLICY”

PRESIDENTE­ DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with