^

PSN Opinyon

Huwag magsalita nang tapos

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko sinusukat ang kakayahan ni retired PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang sinabing kaya niyang wakasan ang bentahan ng illegal na droga. Hindi raw kuno siya magpapatalo sa mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP). Maraming beses ng nagpalit ng Bucor Chief at sa tingin ko lahat sila’y nabi­gong mapahinto ang paggawa ng droga roon mismo sa loob ng NBP. Hanggang ngayon tuloy pa rin ang ligaya ng drug lords kasi kahit nasa piitan sila ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang negosyo.

Aminado si Pres. Digong Duterte na hindi niya kayang sugpuin ang droga sa loob ng anim na taon habang siya’y nakaupo. Pero may pinanghahawakan naman siyang pangako na hanggang sa huling araw niya sa puwesto ay lalabanan ang droga. Hindi ako kontra sa war on drugs dahil gusto ko ring maging drug free ang ating bansa pero sa nakikita ko ngayon ay imposibleng mangyari.

Marami nang namatay dahil sa droga at hanggang ngayon marami pa rin ang nahuhuling nagbebenta at gumagamit. Malala na ang droga sa ating bansa. Su­gapa na sa shabu dahil ang mga natokhang noon ay muling nagsibalikan sa kanilang bisyo. Nagkalat pa rin ang mga batang namamalimos sa kalye pambili ng sini­singhot nilang rugby. Paglaki ng mga ‘yan shabu naman ang kanilang sisinghutin.

Kung gusto ni Bato na magtagumpay sa kanyang misyon, palitan lahat ang kanyang mga tao sa mataas na posisyon hanggang sa baba dahil sigurado ako namamantikaan ng drug money ang bibig ng mga yan­. Sa nakikita ko, mukhang maganda ang tandem ni Dela Rosa at Albayalde. Parehong seryoso sa kanilang mga tungkulin. Sana lang ay magtagumpay silang matuldukan ang droga sa ating bansa.

Dito makikita kung gaano katigas si “Bato” na wasakin ang mga bato sa Bilibid. Abangan!

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with