^

PSN Opinyon

Kinabukasan ng Boracay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISASARA na ang Boracay bukas. Pero sa kabila na isasara ito, namimili pa umano ang lokal na partner ng Galaxy­ Entertainment ng mga lupa sa isla. Ayon sa opisyal ng Boracay affairs, nakabili na ng 23 ektarya ng lupa ang Leisure and Resorts World Corp. (LRWC) sa may Barangay Manoc-Manoc, at naghahanap pa umano ng mabibiling lupa.

Kaya ba tila kampante pa rin ang Pagcor na may posibilidad na matuloy ang mga plano ng Galaxy Entertainment sa Boracay? Nakakuha na nga ng provisional license ang kumpanya. Kung namimili pa ng karagdagang lupa, ano ang alam nila na tila hindi alam ng mamamayan? Narinig ko si President Duterte na nagpahayag na walang casino na itatayo sa Boracay, at ipamimigay ang lupa sa mga magsasaka. Kung namimili pa ng lupa ang LWRC, handa ba silang mawala ang mga iyan kapag ipinamigay na nga sa mga magsasaka? O alam na nilang hindi ipamimigay sa magsasaka, at tatayuan nga ng casino?

Nakahanda na raw ang gobyerno sa rehabilitasyon ng isla. Sigurado may mga sakit ng ulo na mararanasan ang lahat sa mga unang araw ng pagsara. Mga residente, mga negosyante, mga nagtatrabaho sa isla, pati na rin mga opis­yal ng lokal na pamahalaan. Apektado ang lahat sa pagsara. Maraming empleyado ang pinakawalan na muna ng mga kompanya habang sarado ang isla, at may pangako na kukunin muli kapag nagbukas ito. Ano na kaya ang nangyayari sa sinasabing tulong mula sa gobyerno para sa mga trabahador at empleyado sa isla?

Disyembre magbubukas ang Boracay, kung anim na buwang sarado. Inaasahan na sa panahong iyan, natukoy na ang mga problema na sumisira sa Boracay. Walang magagawa kundi hintayin ang rehabilitasyon. Siguro ka­ilangan din magkaroon ng linaw sa kinabukasan ng Boracay, dahil sa ngayon ay magkasalungat ang ilang mga pahayag tungkol sa pagbukas ng isla.

vuukle comment

BORACAY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with