^

PSN Opinyon

Ituloy mo lang Supt. Guiagui

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TINITINGALA ngayon ang San Fernando, La Union police station dahil sa pagbaba ng krimen at pagbabago ng mga gusali ng pulisya at masasabi kong in na in si Supt. John Kawi Guiagui sa local officials at mga residente roon. Mula nang pamunuan ni Guiagui ang San Fernando Police Station naging masipag ang mga pulis sa pagbibigay ng proteksyon sa mamamayan. Laging makikita ang mga pulis sa mga barangay at nagsasa­gawa ng check point. Kaya mismong mga residente na ang nagngunguso sa mga pinaghihinalaang criminal, pu­shers at users sa barangay. Ang drug users na sumuko ay kinalinga ni Guiagui sa tulong ng LGUs. Ni-rehab at binigyan ng livelihood training upang pag-graduate  ay may pagkakakitaan para sa pamilya.

Nagtayo siya ng Police Unified Service Office (PUSO) kung saan ang drug surrenderees ang trabahador kaya kumita sila para sa kanilang pamilya. Napakinabangan din ito ng persons with disability at mga matatanda dahil hindi na kasi sila mahihirapan sa pagkuha ng police clearance at iba pa. Ang Muslims communities naman ay nanumbalik ang katahimikan dahil sa pakikipag-ugnayan ni Guiagui sa Muslims leader. Ang mga high value target na nagtatago sa lalawigan ay nadakma ni Guiagui gaya ng founder ng Parojinog group na sina Manuelit Francisco, Rizalina Francisco at Jun Francisco.

Naaresto rin si Allan Rey Lorma noong Sabado ng umaga (April 21). “Joint personnel of this CPS (Lead Unit) PDEA RO1 and La Union PIB led by Supt John K Guiagui, conducted anti illegal drug buy bust operation at Bgy. Pagdalagan Norte, City of San Fernando, La Union which resulted to the arrest of  Allan Rey Loma y Edianon and confiscation of 1 heatsealed transparent plastics sachets of shabu (sold), P500 and 59 pcs of P500 boodle Money and recovery of another 8 heatsealed transparent plastics sachets of shabu. The seized drug evidence weighing more or less 50 grams  has an estimated value of P300,000. Documentation of the inventory was conducted at the place of operation by BK Leo C Vergara and BK Elmer M Apilado and media reporter Mary Jane Gurtiza. Charges are being readied against the arrested suspect”.

Maliwanag na nahuli si Allan Rey sa buy bust operation subalit may mga nagsasabing na-frame up lang umano. Binatikos si Guiagui sa Facebook subalit naidokomento ito ng ilang mamamahayag. Hindi lamang si Allan Rey ang makukulong kundi pati ang amo niyang Koreano.

Payo ko kay Guiagui, huwag kang paaapekto sa mga bumabatikos. Ituloy ang serbisyo sa mamamayan. Sa kasalukuyan, ang pagbibigay ng proteksyon sa barangay at SK elections sa Mayo 14 ang ginagawa ni Guigui.

* * *

Happy birthday Chief Supt. Romulo Sapitula!

vuukle comment

JOHN KAWI GUIAGUI

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with