^

PSN Opinyon

Patuloy na detention ng Pinoy fishers sa Indonesia

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MAY 31 Pinoy na mangingisda na dumating noong isang araw  sa Philippine Navy headquarters sa loob ng  Armed Forces Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Barangay Panacan dito sa Davao City.

Ang mga mangingisda ay nanggaling sa Bitung, North Sulawesi, Indonesia kung saan sila na-detain dahil nga sa illegal fishing na kung saan pumasok sila sa territorial waters ng Indonesia.

Ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago at kahit noon noon pa man ay may ganito nang pangyayari at nagbigay daan sa pagbuo ng Philippine-Indonesia Joint Border Patrol agreement upang mabigyang lunas ang naging problema. 

Ilang libo na ring Filipino fishermen and dumaan sa repatriation process upang sila ay makauwi pagkatapos nilang mahuli sa Indonesia. 

Karamihan sa mga mangigisdang ito ay galing pang Gene­ral Santos City at South Cotabato na kahit paano ay nangarap din na magkapera sila sa pagitan ng pangingisda sa territorial waters ng Indonesia. 

Subalit imbes na makahuli sila nang maraming isda sa matagal nilang panahong nasa laot, sila naman ang parating nahuhuli ng mga Indonesia Navy dahil nga lumalampas na sila sa territorial waters nito. 

Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay ang mga ginagawa ng ilan sa mga Pinoy na mangingisda na nahuhuli sa Indonesia. 

Lingid sa kaalaman ng kanilang mga pamilya rito, ang iba sa kanila ay nagkakaroon na ng relasyon sa mga Indonesians doon kaya ayaw na nilang umuwi ng Pilipinas. 

Ilang beses na akong nakapuntang Bitung at nakausap ko ang mga taga-Philippine Consulate sa Manado na naging problema nga ‘yong mga mangingisdang Pinoy na ayaw nang umuwi dito sa Pilipinas dahil nga may mga bago nang pamilya at may mga bago nang karelasyon doon sa Indonesia. 

Naging problema nga ng ating mga taga-Consulate sa Manado ang kahihinatnan ng ilan sa mga nahuling mangingisda dahil mas gusto pa nilang doon na mamamalagi sa Indonesia kesa umuwi sa kanilang mga pamilya rito sa bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with