^

PSN Opinyon

Ang Sangguniang Kabataan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PANAHON ni dating Presidente Marcos nang itatag ang Kabataang Barangay na katagalan ay tinawag na Sangguniang Kabataan.

Magandang ideya ito dahil sinasanay ang liderato ng mga kabataan habang sila ay nasa murang gulang pa. Ngunit sa paglipas ng panahon, tila naging politicized na ang SK. Imbes na mahasa sa wastong liderato, ang mga kabataan ay natutong maging tiwali o corrupt. Pa­libhasa, sila ay namamanipula ng kanilang mga seniors na barangay officials.

Hindi natin nilalahat. Alam kong marami pa ring matitinong kabataan sa SK. Ngunit nagdudumilat na katotohanan din na mayroong mga tiwali na natuto mula sa kanilang mga nakatatandang counterpart.

Kaya kung patuloy na maboboto ang mga corrupt ba­rangay officials na nasasangkot sa iba’t ibang krimen gaya ng droga, nanganganib na lalung maging corrupt ang ating mga kabataan.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, pantay na tsansa ang bigay ng Sangguniang Kabataan (SK) election sa Mayo a-katorse sa mga lider-kabataan na may potensiyal sa pamamagitan ng probisyon kontra political dynasty ng SK Reform Act.

 Sa bisa ng bagong SK Reform Act na isinulong ni Aquino, lahat ay mabibigyan ng pagkakataong manil­bihan nang walang umiimpluwensya sa kanila dahil maipa­tu­tupad na ang probisyon kontra political dynasty, paliwanag ng Senador.

Kung wala raw kamag-anak na opisyal ang mga mi­yembro ng SK, walang iimpluwensya sa kanila. Harinawa. Pero kahit hindi kamag-anak ay puwede pa rin namang magmanipula sa mga kabataang ito kaya ang mahalaga ay maging matalino ang mga manghahalal para huwag ma­iluklok sa puwesto ang mga corrupt barangay officials.

vuukle comment

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with