^

PSN Opinyon

Sa wakas, katarungan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

LAMAN ng balita ang Department of Justice (DOJ) matapos desisyunan ng Supreme Court ang pitong taon nang nakabinbing petisyon laban sa pagharang ni noo’y Sec. Leila de Lima kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa airport. Ganun din sa pahiwatig ng bagong Kalihim Menardo Guevara ng kawalan ng intensyon na tagpuin ang kampo ni Gng. Janet Napoles para sa petis­yong mailipat sa isang “safe house” ng DOJ.

Sino pa ba ang nagduda na labag sa Konstitusyon ang DOJ Circular No. 41 na nagbigay kapangyarihan sa Kalihim na hadlangan ang malayang pagbiyahe ng mamamayan? Ang freedom to travel ang isa sa pinakamatimbang na karapatang ginagarantiyahan ng ating Bill of Rights. Kasing tindi ito ng freedom of expression, freedom of religion at freedom of assembly. Paano nga naman magiging tunay na malaya ang mamamayan kapag wala itong lisensyang lumakbay, bumisita or manirahan sa lugar na nais niyang puntahan? Nakatakda sa saligang batas na ang karapatan ay maari lang ipagkait kapag kailangan sa interes ng National Security, Public Safety o Public Health. At kung pakikialaman nga, dapat ay batas ng Kongreso at hindi karaniwang kautusan ng Ehekutibo ang gagamiting batayan. Ang buong Supreme Court, unanimous decision, ay nagkaisa upang ibasura itong regulasyon ng DOJ.

Nabago din ang ihip ng hangin sa paborableng pagtrato ng Kagawaran sa high profile na si Gng. Napoles. Kung dati ay parang may libreng tiket ang kanyang mga abogado upang makipagkita at makausap ang mismong Kalihim Aguirre at maging ang tanggapan ng Executive Secretary, ngayon ay hindi na. Idineklara ni Sec. Guevara na pagdating sa kaso ni Gng. Napoles, wala na ang ganitong special treatment. Sa record lang aasa at sa patakaran ng witness protection program na inaplayan ng akusado.

Sa dalawang kaganapang ito, malaking kapanatagan ng loob ang mababalik sa lipunan na ang kanilang Kagawaran ay muling maitutuwid ang hindi maunawaang pamamalakad sa ilalim ng dalawang nakaraang, magkaribal na Kalihim.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with