^

PSN Opinyon

Mga na-Dengvaxia magkakahustisya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAGKAKAHUSTISYA ang 837,000 bata na “na-Deng­vaxia.” Pangako ‘yan ni Sen. Dick Gordon sa pagtatapos ng imbes­tigasyon ng kanyang Blue-Ribbon Committee sa palpak na bakuna kontra dengue.

Nangangamba ang magulang ng mga edad 9-11 na binakunahan. Dalawang dosena na ang kinumpirma ng Public Attorney’s Office na namatay dahil sa sintomas ng dengue at yellow fever. Taglay ng bakuna ang viruses. Imbis na maging immune ang tinurukan, nagkasakit sila, linagnat, nanghina ang resistensiya, nagsuka, at nagdugo, ilang araw o linggo matapos mabakunahan.

Sa kabila ng ulat ng mga namamatay, sinisiraan ng Sa­nofi Pasteur, at mga galamay nito sa gobyerno at media­, ang mga nag-iimbestiga. Kesyo raw hindi eksperto at nananakot lang ang mga doktor at abogado na naghahabla sa mga salarin. Kesyo raw dumadami ang nagkakatigdas dahil, sa takot, ayaw nang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang sanggol. Kesyo raw pinupulitika ang siyensiya.

Hustisya ang nararapat para sa mga namatayan at na­iniksiyunan nang walang pahintulot. Hustisya lang ang papawi sa pangamba ng madla, at magbabalik ng tiwala sa pagbabakuna.

Sina dating-President Noynoy Aquino, budget secretary Florencio Abad, at health secretary Janette Garin ang ihahabla, ani Gordon. Pinaka-mababang kaso ay reckless imprudence, pero maari humantong sa graft and corruption. Kasama nila ang mga health undersecre­taries at mana­gers ng Sanofi Pasteur.

Gagamitin para sa mga biktima ang P1.2 bilyong ipinasoli sa DOH na bayad sa hindi nagamit na bakuna. Pang emergency treatment sa kanila ‘yon, saan man maospital. Pang blood test din para malaman kung sero-positive (dati nang nagka-dengue) o sero-negative. Pang-monitor din sa kanilang kalusugan. Dadagdagan pa ang pondo batay sa rekomendasyon ng DOH.

vuukle comment

DENGUE

DENGVAXIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with