^

PSN Opinyon

Albayalde swak na PNP chief

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagkamali si Pres. Digong Duterte sa pagpili kay NCRPO Director Oscar Albayalde, bilang susunod na PNP chief. Sa umpisa pa lamang nagpakitang-gilas na si Albayalde sa NCRPO. Hinangaan nang marami, isa na ako, ang kanyang performance kaya walang masama kung siya ang napili ni Digong na pumalit kay PNP chief Dir. Gen. Ronald  “Bato “ dela Rosa. Hindi kilalang tao pero sa kanyang pakitang-gilas sa pagtupad ng kanyang tung­kulin ay naging matunog ang kanyang pangalan.

Maihahambing ko si Albayalde kay Sen. Panfilo Lacson­ na dating PNP chief noong panahon ni Mayor Erap Estrada. Di ba nakita naman natin kung paano pinamu­nuan ni Lacson ang PNP, ultimo ang mga naglalakihang tiyan ng mga pulis ay pinagbawal niya. Sana ituloy-tuloy lang ni Albayalde ang magandang naumpisahan at sigurado ako maitataas niya ang imahe ng buong sa­mahan. Huwag tigilang tugisin ang mga tauhan niyang gumagawa ng kabulastugan, tanggalin sa serbisyo ang mga patulug-tulog sa pansitan, ipagpatuloy ang mga surprise inspection sa mga presinto upang malaman kung sino ang mga pulis na nagtatrabaho.

Nakalulungkot isipin dahil matatapos na ang pamumuno ni Chief “Bato” sa PNP ay hindi  pa natuldukan ang problema sa droga. Kung maaalala n’yo, di ba sabi niya noon, kaya ‘yan sa anim na buwan, humingi pa ulit ng palugit pero aalis at aalis na lang sa PNP ay hindi pa rin niya napahinto ang droga sa bansa kunsabagay ngayon sunud sunod ang kanilang na-raid na malaking pagawaan ng droga.

Ang tanong, ito na kayang si incoming PNP chief Albayalde ang susi upang masugpo ang katiwalian, sca­lawags­, drug addict, at mga criminal na pulis? Malaking hamon ang kanyang kahaharapin pag-upo niya sa puwesto. Pader ang kanyang babanggain. Sana mapagtagumpayan niya ang mga hamon bilang PNP chief.

vuukle comment

NCRPO DIRECTOR OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with