^

PSN Opinyon

Di nga marunong gumamit ng smart phone, FB pa kaya

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MAARING tawagin si President Duterte na technologically challenged dahil nga hindi gumagamit ng smart phone at lalong napakababa ng kanyang Facebook skills. 

At kahit na noong hindi pa siya nagpasyang tumakbong pagka-presidente at kahit sa panahon na ng kampanya para sa May 2016 na halalan ay dinudumog siya ng mga nagpapa-groufie at nagpapa-selfie sa kanya.

Tinagurian nga siya noon pa na No.1 tourist attraction ng Davao City dahil nga ang pinakagusto ng mga turistang bumibisita ay yaong makapagpa-picture sa kanya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagpa-picture sa kanya ay minsan niya akong tinanong --- ‘‘Day, Day unsa nang ‘tag-tag’?’’ na kanyang naririnig tuwing may magpapa-selfie o groufie sa kanya. 

Hayun at in-explain ko sa kanya kung ano yung ‘tag’ sa Facebook.

Eh kung kang counterpart sa United States na si Pres. Donald Trump ay tech savy at maya-maya nasa Twitter bawat gusto niyang sabihin o di kaya’y mga government policy niya, ito namang si President Duterte ay hindi rin nagti-twitter ng kanyang saloobin. 

Kung tingin ninyo ay may laptop sa kanyang harap tuwing may Cabinet meeting, maniwala kayo diyan at hindi rin yan siya nagko-computer o nagla-laptop. 

At ayaw rin niya gumamit ng smart phone dahil nalilito raw siya sa mga lumalabas na mga numero o kung anu-ano pang lumalabas sa tuwing pindutin ang smart phone. 

Mas gusto pa raw niya ang Nokia phone niya-- yung analog noon. 

Kaya noong lumabas yong balita tungkol sa Facebook data ng  may 1.1 million Filipinos na ginamit ng Cambridge Analytica noong May 2016 elections, napatanong ako -- kumusta na kaya ang FB skills ng Presidente?

Marunong na kaya siya kung ano ang ibig sabihin ng “tag”? 

vuukle comment

ECHNOLOGICALLY CHALLENGED

FACEBOOK SKILLS

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with