^

PSN Opinyon

Boracay paraisong isla, casino mala-impiernong lugar?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG kontra si DENR Secretary Roy Cimatu sa itatayong bagong casino-resort sa Boracay island na gagawin next year.

Nagmumuni-muni si Cimatu kung kakayanin ng isla ang itatayong property?

Three years in the making ito sa 23 hectares na lupa, kaya naman inaasahan na magdudulot ito nang maraming trabaho sa mga taga - probinsiya kapag nagkataon.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Nabili kaya o renta lamang ang lugar na paglalagyan ng resort casino?’ Tanong ng kuwagong mga informal settlers.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pala biro ang puhunan ng Galaxy Entertainment Corporation sa bubuksan resort casino sa Boracay dahil US$ .5 billion ang itatapon este mali ipo-pondo pala sa property ng mga mamumuhunan.

Ano kaya ang masasabi rito ni Archibishop Emeritus Oscar Cruz, sa itatayong biggest casino dyan sa mala-paraisong isla ng Boracay?

Ngumawa kaya si Bishop Cruz sa casinong itatayo dahil siguradong maraming malululong sa sugalang ito?

Remember, Resorts World?

Hindi ba ang casino ay mala-impiernong lugar sa ibang madlang people dahil marami na ang nasirang mga pamilya, nagpapakamatay, nagkakabaun-baon sa utang, mga babaeng nagbebenta ng aliw para matustusan lamang ang kanilang pagsusugal?

Ika nga, addict na sa sugal!

Kambiyo issue, balitang nagka-pirmahan na ang Galaxy Entertainment at Pagcor kaya naman nabigyan na daw ito ng provisional license.

Ano kaya ang connection ng casino sa closure ng Boracay island?

Sa parte ng Galaxy Entertainment, inaasahan nilang kikita ito ng US$100 million sa gaming revenues mula sa proyektong kapag nag-operate na ang sugalan blues.

Sinasabing maraming trabaho ang mabibigay sa mga walang trabaho oras na ginawa ito sa loob ng tatlong taon at kapag natapos at nag-operate na ang sugalan marami pang mga karagdagan trabaho ang mangyayari?

Totoo kaya?

‘Suertehin kaya ang probinsiya sa casinong ito?’ Tanong ng kuwagong switik.

Hindi lang sugalan ang dadayuhin sa Boracay kapag nanumbalik ang linis at ganda nito sa mata ng mga dayuhan.

Sabi nga, pera, pera at maraming pera ang papasok sa gobierno.

Naku ha!

Dahil lang sa casino?

Hindi dahil sa ganda ng isla at linis at linaw ng karagatan!

Tiyak dadayuhin ito ng mga sindikato este mali high-end customers pala kapag inumpisahan na ang sugalan sa isla.

May bookies kaya itayo?

Kailangan masusing pag-aralan ng mga bright sa gobierno kung kakayanin ng isla ng Boracay ang bigat ng mga nakatirik dito?

Iyan ang tanong?

Abangan.

vuukle comment

CASINO-RESORT

DENR SECRETARY ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with