^

PSN Opinyon

Pinatay ang anak

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG abortion ay pagpatay sa isang fetus na nasa sina­pupunan ng kanyang ina. Ito ay pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Puwede itong sinadya sa pamamagitan ng paggamit ng dahas para malaglag ang ipinagbubuntis o sa pamamagitan ng pagpapainom ng gamot o inumin na hindi alam ng babae ay pampalaglag pala ng sanggol. Ang parusa ay mula 6 na taon hanggang 12 taong pagkakulong. Ito ang kaso nina Elmer at Pam.

Mag-asawa sina Elmer at Pam at mayroon silang isang anak na lalaki, si Dan.  Matapos ang 15 taon mula nang ipanganak si Dan ay nagbuntis muli si Pam. Pero mas nahirapan na siya ngayon sa pagbubuntis dahil kung anu-anong sakit ang kanyang nararamdaman sa katawan.

Dahil sa hirap ng pagbubuntis ni Pam, kinunsulta ni Elmer ang kaibigang si Jaime na isang kilalang faith healer sa kanilang lugar at humingi ng saklolo rito. Ayon kay Jaime, hindi raw bata kundi “balat” o isang nilalang na isda ang pinagbubuntis ni Pam. Kaya nagtimpla siya ng inumin na gawa sa iba’t ibang dahon ng halaman para mawala ang masamang “balat”. Walang kamalay-malay na ininom ni Pam ang likido pero pagkaraan ng dalawang oras ay napaanak si Pam. Napaaga ng tatlong buwan ang kanyang panganganak.

Pagkaluwal, sinunog ni Jaime ang inosenteng sanggol na may permiso ni Elmer at ni Dan. Ang paniwala kasi ni Jaime, isa itong demonyo na nag-anyong tao upang maghasik ng lagim.

Dahil sa nangyari ay dinemanda ni Pam si Jaime ng krimeng abortion. Napatunayan na nagkasala si Jaime base sa testimonya ng mga testigo ng prosekusyon at pinatawan ng karampatang parusa. Umapela si Jaime at sinabing walang matibay na ebidensiya na ang ipinainom na gamot ang naging sanhi ng pagkalaglag ng sanggol.

Pero ayon sa Supreme Court, sapat na ang testimonya ng mga testigo para maging ebidensiya sa pagkakasala ni Jaime. Ang likidong gamot na ipinainom niya kay Pam ay ang naging sanhi ng pagkalaglag ng sanggol. Wala raw sapat na ebidensiya si Jaime upang pabulaanan ang testimonya ni Pam, kaya guilty talaga siya sa paglabag ng Art. 410, par. 2 na ngayon ay Art. 256 (2) ng Revised Penal Code. Nahatulan si Jaime na nakulong mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon na pagkabilanggo (US vs. Boston, G.R. 4795, November 23, 1908).

vuukle comment

ABORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with