^

PSN Opinyon

Ibaon sa limot ang peace talk

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SARAP tuktukan sa ulo ang 61 kongresistang gustong muling buhayin ang peace talk. Sino ba naman ang ayaw sa tahimik na bansa at mapayapang pamumuhay? Pero kung may mga teroristang NPA naman na salot sa lipunan ay ibang usapan na ‘yan. Kung gusto nila ng gulo dapat lang na pulbusin na sila ng gobyerno. Kaya ang masasabi ko sa mga kongresistang nagsusulong na mu­ling pagbigyan ang mga terorista ng peace talk ay tigilan na nila ito dahil sinabi ko na noon pa na hindi yan magta­tagumpay.

Kung gusto n’yo ng peace talk antayin niyong matigok si Joma Sison at Luis Jalandoni upang magkaroon ng panibagong pinuno ang samahan, bakasakaling magkaroon ng posibilidad na gumana ang usapang pangkapayapaan. Itong dalawang mataas na lider na ito hindi nila kontrolado ang kanilang mga tauhan. Fifty years na ang nakalipas hanggang ngayon, maraming beses nang nakipag-usap ang gobyerno pero hanggang ngayon wala pa ring kinahihinatnan ang peace talk.

Marami na silang hiniling na ibinigay ng gobyerno sa kanila pero sadyang matitigas ang kanilang mga pinuno. Ang kakapal pa ng mukha gobyerno pa natin ang nagpupunta sa kung saan nila gustong makipagpulong. Hindi rin biro ang perang ginastos ng gobyerno sa mga opisyal ng peace panel.

Sa mga mambabatas na nagsusulong ng peace talk dadaan muna kayo sa butas ng karayom bago mapa­sagot ng oo si President Digong. Tama naman ang Presi­dente dapat lang isara na ang pintuan para sa mga tero­rista. Para sa akin kung talagang gusto nila ng peace talk pauwiin si Joma Sison at kanyang mga alipores sa Pili­pinas at dito ganapin ang pagpupulong. Hindi man muling mapagtagumpayan at least menos gastos ang gobyerno.

Ngayon pa ba gugustuhin ni Digong ang peace talk eh nung Linggo ng Pagkabuhay nagpasabog na naman sila ng 10 heavy equipment sa Davao.

vuukle comment

PEACE TALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with