^

PSN Opinyon

Anomalya sa Boracay busisiin

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI dapat balewalain ng DILG ang gagawin pagbusisi kung kaninong bulsa napunta ang billion of pesos na environmental fees collection sa mga turistang tumutungtong sa isla ng Boracay.

Sabi nga, P75.00 per head ang singilan bago makapasok ang madlang people sa Boracay island.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat din mabusisi kung kaninong bulsa napunta ang diumano’’y bayad sa snorkling area sa may Balanghay beach?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat din makalkal kung paano umano nabigyan ng  titulo ang ‘’Asya Prime’’ dahil ito diumano ay isang forest land?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ika nga, kalkalin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming anomalya ang nangyari diumano sa isla ng Boracay dahil may mga lumabag dito sa 25+5 easement, wet land, forest land, at ang 15 meters left and right sa main road na nilagyan ng mga gusali ito diumano ay government properties.

Sabi nga, ang 1064 batas ni GMA noong pangulo pa ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ano kaya ang gagawin ng gobierno sa mga itinayong establishments na walang mga titulo?

Paano na ito?

Gigibain kaya?

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon buwan ay plano pa lang ng gobierno na isara ang mga establishments sa Boracay para malinis ang mga dumi na napupunta sa baybayin dagat.

Sana isara na sa lalong madaling panahon ito at bigyan ng trabaho ang  mga mawawalan ng trabaho.’sabi ng kuwagong suwail.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, taga-ibang probinsiya o lugar ang karamihan nagta-trabaho sa Boracay at katiting lamang ang bilang ng mga taga - rito.

Abangan.

Billion pesos project ng Maynilad lalarga na

BILLION of pesos ang inilaan ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad), ngayong taon para sa  wastewater projects  na magpapalakas sa  sewerage coverage at magmamantine ng reliability ng wastewater network para sa mga customers na tumatangkilik nito.

Ang  P1.4 billion nito ay gagamitin sa paglalagay ng 35 kilometers ng conveyance systems sa Las Piñas at Muntinlupa.

Ang systems ang babagsakan ng wastewater na magmumula sa mga kabahayan at magpapadaloy nito sa tatlong Sewage Treatment Plants (STP) ng Maynilad sa lugar na may combined treatment capacity na 148 million liters ng wastewater per day (MLD) ng may isang milyong residente.

Ang P260 million mula sa P1.7 billion wastewater Capex budget ngayong 2018 ay ilalaan sa sewer network repairs at installation ng bagong sewer service connections sa west concession area.

Ang nalalabing P70 million ng P1.7-billion budget ay gagamitin sa maintenance at operations ng wastewater facilities  para matiyak ang kahusayan ng sewer network ng Maynilad.

Sabi nga, kahanga-hanga.

Abangan.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with