^

PSN Opinyon

Sariling balat

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

TIBA-TIBA sa takilya ang sineng Black Panther, ang pagsasapelikula ng sikat na comicbook hero ng Marvel. Gaya din ng iba nitong blockbuster tulad ng Avengers series, Spiderman atbp, ang Black Panther ay ginastusan ng katakut takot na budget. Dahil dito, makikita naman sa resulta ang kalidad ng produkto. Hanggang ngayon ay nangunguna pa rin sa itaas ng box office list ang Black Panther sa buong mundo. Pang-anim na ito sa pinakamataas ang kita sa mga nakaraang taon.

Kakaiba rin ang Black Panther dahil ang pinangyarihan ng kuwento nito ay sa Africa. Lahat ng mga bida at kontrabida ay Afrikano. Sentro rin ng istorya ang kultura ng mga Afrikano. Napakalaking bagay na ang isang major Hollywood production na puro Afrikano ang mapapanood ay yayakapin ng ganoon sa buong mundo. Nagbibigay ito ng dahilan upang ipagmalaki at pangatawanan ang iyong pagiging kakaiba sa mayorya.

Maganda itong pangitain para sa mga taong obsessed na baguhin ang pagkataong ibinigay sa kanila nang sila’y ipinanganak. Lalung-lalo na doon sa mga hindi makuntento sa kulay ng kanilang balat at naghahanap na paputiin ito.

Obsesyon sa pagpapaputi. Ito ang ugat ng bumu­lusok na industriya ng skin whitening products. Ang pusta ng marami ay maibibigay ng siyensiya at agham ang kasagutan sa kanilang pangarap.

Siyempre, kapag may ganitong bitag na desperadong sektor, ang kasunod ay ang mga mananamantala. Kaya, heto, nababalitaan ang dumadaming kaso ng mga nahu­huling nagbebenta ng pekeng produkto o, kung hindi man peke, mga produktong basta na lang binebenta kahit hindi idinadaan sa tamang proseso ng pagre­his­tro. Maging sa mga pinakatanyag na doctor ay may nahu­huli sa lambat ng mga imbestigador.

Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bureau of Food and Drugs, ay nakatutok sa mga nananamantalang establisimento. Lalo na’t dumadami ang ulat ng mga gamot na, imbes na makapagpaganda, ay nakakasira at nakakapagpapangit pa sa gumagamit.

Isa na naman itong maitim at malungkot na kabanata sa buhay ng mga umaasa sa panandaliang lunas. Sa huli ay pagbabayaran pa nila ito ng mas higit pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with