^

PSN Opinyon

Rice hoarder, profiteers ikulong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAPAPANAHON ang isang panukalang batas na iniharap sa Mababang Kapulungan ni Manila Rep. Manny Lopez. Ito ay naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang mga nagmamanipula sa supply ng bigas para tumubo ng malaki. P50 milyon multa ang pataw bukod pa sa 12 taong pangkakulong. Dapat lang.

Maraming ganid sa ating lipunan na dapat nang tuldukan ang immoral na gawain. Ang proposed bill ay nakapaloob sa House Bill 2417 o Rice Security and Stability Act of 2018.

Kitang-kita natin ang masamang epekto ng ginaga­wang hoarding ng mga rice traders kaya walang kata­­pusang pagsisisihan ang naririnig natin imbes na resolbahin ang problema.

Sa bisa ng panukala ni Lopez, ang pag-iimbak ng bigas ng sobra sa normal na imbentaryo at ang pagpa­pataw ng presyo ng mas mataas kaysa nakatakdang market value ay parurusahan ng mabigat.

Ipinaliliwanag din ng bill kung ano ang cartel. Ito ay kumbinasyon o kasunduan ng 2 kataong sangkot sa pro­duksyon para manipulahin ang supply na nakapapahamak sa madlang mamimili.

Ang price manipulation naman ay ang pagkakasundo o sabwatan ng mga rice traders para magtakda ng presyo ng bigas. Ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng 50 milyong piso at pagkabilanggo ng mula anim hanggang 12 taon.

Pinasiyasat din ni Rep. Lopez ang umiiral na rice shortage sa Metro Manila. Sa totoo lang, hindi lang sa Maynila kundi buong bansa ang problema. Talagang pangmatagalang solusyon ang kailangan natin laban sa problemang ito na mula pa noon ay umiiral na sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with