^

PSN Opinyon

Payo mula sa Palasyo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGING balita ang pahayag ng abogado ni Janet Lim-Napoles, na pinayuhan sila ng Palasyo, partikular sina Executive Secretary Salvador Medialdea at DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na ipasok na sa Witness Protection Program (WPP) ang kanyang kliyente at malipat na sa DOJ mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Kinailangan daw nila kumunsulta. Lumalabas na ang Palasyo pa ang nagbibigay ng payo sa utak ng PDAF scam. Sila pa raw ang nagsabi na mag-file ng mosyon sa Sandiganbayan, bago mailipat si Napoles sa DOJ. Kaya tila hindi lang ang abogado ang tumutulong kay Napoles, kundi pati na rin ang Palasyo.

Pero agad naman pinabulaanan ni Medialdea ang pa­hayag ng abogado ni Napoles. Bakit daw niya papayuhan ang abogado ng kanyang kliyente? Kung siya raw si Napoles ay sinibak na daw niya ang abogado. Bakit nga naman? Hindi naman dapat nakikialam ang Palasyo sa mga ganitong kaso. Pero may pahayag nga ang abogado, kaya sino na ang paniniwalaan?

Hindi rin kasi mahirap paniwalaan ang pahayag ng abogado. Marami ang nagulat sa pagpasok kay Napoles sa WPP. Hindi daw kwalipikado batay sa alituntunin na ang “least guilty” lang ang pwedeng ipasok. Kung may kamay nga ang Palasyo sa pagpasok kay Napoles sa WPP, asahan na ang pasabog ngayon ni Napoles ay nakatutuok sa dating administrasyon. Ayon kay Sen. Leila de Lima, ikakanta daw ni Napoles ang kahit anong nais marinig ng administrasyong ito.

Mukhang bising-bisi ang DOJ. Una, pagbasura sa mga kaso kina Peter Lim at Kerwin Espinosa. Ngayon, pasok naman sa WPP si Napoles. Kapansin-pansin din na hindi kaagad nilalabas ng DOJ ang mga nagaganap sa kanilang ahnesiya. Noong Disyembre pa pala nabasura ang kaso nila Lim. At noong Pebrero 27 pa ipinasok si Napoles sa WPP. Ano pa kaya ang hindi ipinaalam sa publiko kaagad? Ano na ang nangyayari sa kaso nila Al Argosino at Michael Robles na kinasuhan ng pandarambong hinggil sa pagpapalaya ng mga taga-China na iligal na nagtrabaho dito? Alam natin na sila ay mga brod nila Pres. Duterte at Sec. Aguirre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with