^

PSN Opinyon

Mga kalokohan ng nakaraang admin sa MRT

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SINIWALAT sa Ben Tulfo Unfiltered ni dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol III ang kanyang nalalaman sa kalakaran sa MRT. Sa aming no-holds-barred interview, binanggit niya ang mga anomalyang nagaganap sa loob base sa kanyang experience. 

Isa na rito ang bilyong pondong bayad sa mga advertise­ments na nagkalat sa mga istasyon. Aniya, parang palengke ang MRT nang siya’y umupo. 

Bakit kamo? Naging marketplace na raw ito dahil sa dami ng advertisement materials.

Wala namang problema kung ganoon. ‘Yun nga lang, hindi na nga raw ito binayaran, hindi pa sinisingil ng departamento! Dagdag ni Vitangcol, P1.8 billion ang kabuuang halaga. Saan ngayon ito napunta? 

Tinanong ko kung binulsa na ba o kaya nama’y ginamit pangkampanya. Wala siyang ideya. Nasagasaan niya rito ang mga oligarchs at kanilang mga kachokaran. Pati ang media, pinagkaisahan daw siya. Sa dinami-rami raw ng kanyang mga sinasabi sa publiko, kakaunti lang ang luma­labas. Malala rito, ‘yung iba slanted pa. 

Sa isyu naman ng LRT-MRT common station, pinipilit daw siyang i-endorse ang lokasyon nito sa Trinoma. Tumutol siya dahil ‘di raw tama ang technical design at mas prone ito sa aksi­dente. Gayumpaman, ito ang marching order sa kanya. Nangyari ito, panahon ng nakaraang administrasyon. Lumala­bas na parang may sariling interes ang mga dumidikta kay Vitangcol.  

Ito namang maingay na “Pangasinan Group,” binigyang linaw niya base sa kanyang nalalaman. Aniya, mga opisyales lang sila galing Calasiao, Pangasinan. Hindi lang siya sigurado kung sila ba ang tinutukoy ni Spokesperson Harry Roque na kumamal sa pondo ng MRT. Di malinaw kung kasama siya sa magiging witness o resource person sa nilulutong imbestigasyon. Pero sabi niya, handa naman siyang makipag-cooperate sa gobyerno. 

Kami naman, nakaantabay lang na gumulong itong im­bes­tigasyon at lumabas ang katotohanan. Hindi ko mapigilang ma­awa kay Atty. Al, lumalabas, naging fall guy o alay siya ng mga tunay na may kasalanan. Inamin niya, sadyang nilito ang gobyerno at publiko para sa kaniya mabaling ang sisi.

Hindi na ako namangha noong inamin din niyang may mga pumigil sa kaniyang magsalita noon. Baka raw kasi manalo bilang Presidente ang manok ng nakaraang administrasyon, eh natalo, wow mali!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with