^

PSN Opinyon

Magtipid sa kuryente

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IT’S summertime and the living is not so easy!. Kapag mainit, malakas ang konsumo ng kuryente kaya tayong­ mga consumers ay doble kayod para lumaki ang budget at may pambayad tayo sa tumataas na electric bill porke babad tayo sa aircon at electric fan. Pero higit na mabuti ang gumastos ng medyo malaki kaysa naman dumanas ng heat stroke.

Hayzz. Napakamahal pa rin kasi ng kuryente. Kung marami sana ang mga planta, babagsak ang halaga ng elektrisidad. Pero isang katotohanan na sa panahong ito, kailangang humanap nang ginhawa ang ating katawan. Mahal ang ma-stroke.

Bukod sa mataas na  konsumo sa elektrisidad,  pagsapit ng Hunyo ay gagastos naman tayo sa matrikula ng ating mga anak bukod pa sa mga aklat at ibang gamit nila sa eskuwela.

 Ngunit kahit wala tayong magagawa sa paggalaw ng presyo ng kuryente, tubig, mga produkto, serbisyo, at iba pa, may magagawa naman tayo sa ating mga sarili upang makatipid. Gaya ngayong buwan ng Marso, tumaas muli ang presyo ng kuryente.

Salamat at hindi ipinatupad nang buo ng Meralco ang dagdag singil na Php 0.97 kada kilowatthour upang maka­gaan sa mga konsyumer kahit hindi naman sa kanila mapupunta ito kundi sa mga generator ng kuryente. Abonado pa ang Meralco dahil Php 0.85 kada kilowatt­hour lang muna ang kanilang ipinataw na dagdag singil.

Maging matalino na lang tayo sa paggamit ng kur­yente. Huwag bayaang nakasaksak ang mga appliances kung hindi ginagamit. Sa pagsasaing, pwede pa rin namang gamitin ang rice cooker basta’t kapag nawala na sa ‘cook’ ang ilaw nito, bunutin na ito sa pagkakasaksak. Huwag na ito hayaan sa ‘keep warm mode”. Sa pagpapalantsa, unahin ang mga damit na makakapal ang tela at ihuli ang mga maninipis gaya ng mga panyo, salawal, at iba pa. Huwag nang plantsahin ang mga pambahay. Gumamit na lamang ng fabric softener. Panatilihin ang aircon sa temperaturang 25 degrees. Kung maliwanag, iwasang buksan ang mga ilaw.

Marami pang paraan upang makatipid sa kuryente. Sipagan niyo lamang ang pag-research ukol dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with