^

PSN Opinyon

‘Mag-ingat sa TM Works Inc.’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PALABAN ang mga Pilipino. Anumang industriya ang kabilangan nito, mapasa-pinakamataas o pinakamababa man ay siguradong aangat ang galing ng Pinoy.

Kaya naman, hindi na kayo magtataka na maraming ahensiya at tanggapan na nagbibigay ng mga serbisyong training at certification para linangin ang kakayanan ng bawat indibidwal.

Pampadagdag credential kasi ito kahit kanino. Mala-king advantage ito sa mga namamasukan dito sa Pinas lalung-lalo na sa abroad, mas malaki ang bayad. 

Pero hinay-hinay lang at mag-ingat sa mga training o mga mag-e-enroll sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Baka kasi pinasukan mong training center e labu-labo pala.

Katulad na lang ng nagreklamo sa Kilos Pronto action center tungkol sa training center na pinasukan niya

Ang pangako ng training agency, sa loob ng apat na araw ay makakakuha siya ng high quality professional training at siyempre certificate.

Ito ang mga pangunahing kailangan ng biktima para makapangibang bansa kaya’t naglaan ng pera at panahon para tapusin ang short course.

Pero matapos makapagbayad at makapag-training, saka siya sinabihan na hindi pala siya rehistrado o kasama sa listahan ng mga officially enrolled students ng TM Works Incorporated.

Balewala na ang pinasok ng halos isang linggo, ang masaklap pa ang perang ibinayad niya na nagkakahalaga ng P15,000, lumipad na lang!

Susmaryosep! Kawawang pobre na gusto lang maka­pagtrabaho sa ibang bansa, nagkandaletse-letse pa.

Nanghihingi na sana ng certificate of completion ang biktima pero buong gulat niya sa balitang hindi siya officially nai-enroll ng kanyang trainor kung saan siya nagbayad.

Mga gunggong, pumapasok sa establisimento n’yo tapos hindi officially enrolled, anong kalokohan ‘to? Ibinulsa n’yo lang yata ang pera ng pobre ha TM Works Incorporated?

Mukang malalagay sa alanganin ang accreditation at lisensiya ng kompanya n’yo mga boss, kinakailangang ayusin n’yo ang gusot na ito, Kilos Pronto!

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang grupo ng Kilos Pronto sa TESDA, doon kayo magharap ng nagrereklamo para ituwid ang pagkakamali n’yo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with