^

PSN Opinyon

Tigil-pasada wa epek lagi

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGLULUNSAD daw ngayong araw na ito ng transport strike ang Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON).

Batid nating lahat na ang tinututulan ng mga drivers at operators ay ang namimintong pagpapatupad ng jeepney modernization program ng pamahalaan dahil yung mga jeepney na pinaglipasan na ng panahon ay wawalisin na sa lansangan.

Kawawa naman ang mga nagsisipagprotesta. Ano mang pag-aalsa ang gawin nila ay hindi natitinag ang gobyerno dahil determinado na ipatupad ang programa na ang layunin ay alisin na sa daan ang mga lumang jeepney na nagbubunga ng polusyon ng hangin at magbigay ng mas episyente at komportableng transportasyon sa mga mana-nakay. Walang epekto ang mga nakaraang kilos-protesta nila porke natutugunan din ng pamahalaan ang kakulangan sa sasakyan sa pagtatalaga ng alternatibong masasakyan.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, layunin ng naturang tigil-pasada na ipakita ang mahigpit nilang pagtutol sa jeepney modernization program na ipinaiiral ng gobyerno. Sentro ng kanilang tigil-pasada ang Metro Manila at iba pang lugar sa Novalices at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Anda Circle sa lungsod ng Maynila at Alabang sa Muntinlupa.

Magsasagawa rin sila ng protesta sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Rizal.

Pinakamahirap talagang ipatupad ang ganyang uri ng programa kung walang political will ang gobyerno. Masaktan ang dapat masaktan dahil sa dakong huli, ang lahat ay makikinabang. At iyan ang uri ng liderato na ipinakikita ni Duterte.

Kung ako ang masusunod, unti-unti ang gagawin kong implementasyon para mabigyan ng tsansa yung mga wala pang pambili ng modernong sasakyan na makabili ng bago. Pero sabi nga, kung hindi ngayon, kailan pa?

Matagal na ang programang ito at ang nagdaang administrasyon ay bigo sa implementasyon dahil sa pagtutol ng transport sector. Palagay ko, karamihan sa mga tumututol ay yung mismong bumoto kay Duterte. Ngayon siya na ang Pangulo, eh di huwag nang tumutol sa mga palatuntunan niya!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with