^

PSN Opinyon

Riot ng mga jueteng bookies operators sa Muntinlupa City, napipinto

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALAMANG dumanak ng dugo ang magkalabang grupo dahil sa pagbubukas ng operasyon ng jueteng bookies sa Muntinlupa City, oras na hindi ito mapigilan ng mga alagad ng batas partikular ang PNP Counter Intelligence Task Force dahil may mga nakapatong na mga bugok na pulis dito na sumasalag sa kanila.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsimulang mag-operate ang mga kabo at kubrador sa jueteng bookies two weeks ago magmula ng magkaroon diumano ng problema ang ‘Happy Cool,’ ang may prangkisa ng expanded STL sa southern Metro - Manila sa PCSO.

Tanong - ano ang problema?

Sagot - siempre pera dahil malaki na diumano ang utang ng ‘Happy Cool’ sa PCSO na hindi pa nababayaran may ilang buwan na ito?

‘Bakit pinapayagan pa itong mag-operate ng PCSO dapat ipatigil na sila at ibigay sa iba na may kaya ang operasyon ng expanded STL?’ anang kuwagong manunuba.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat kapain ng mga tauhan ni Sr. Supt. Chiquito Mayo, hepe ng CITF, ang mga nakapatong na pulis at ex-police na nagbigay ng ‘basbas’ at nakapatong para mag-operate ang jueteng bookies sa Muntinlupa City.

Sabi nga, inaabangan pa daw ng mga patong ang pagbubukas sa iba pang Siudad sa southern metro.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Boy ‘aruz caldo’, PO3 Bebet, Prosy, Jaruta, Lando, Totoy, Aguas, Cachuela, at Matta ‘hari’ ang mga nagbibigay ng proteksyon sa jueteng bookies sa Muntinlupa City at pinag-iisipan pa nilang buksan ito sa buong southern Metro-Manila tulad ng Taguig, Parañaque, Las Piñas at Makati.

‘Siguro, Sir Chiquito, amoy ng mga bata mo ang mga pangalan sa itaas?’ tanong ng kuwagong haliparot.

MAY malaking problema ang ‘Happy Cool,’ ang kumpanyang binigyan ng PCSO ng prangkisa para sa expanded STL dahil hindi na ito nakakabayad sa ipinangakong porsiento para sa gobierno na kita sa kubransa.

Sabi nga, milyun-milyon piso ang diumano’y utang nito sa PCSO na hindi pa binabayaran. Totoo kaya ito, Ms. Sandra Cam, Your Honor?

Abangan.

Incredible dentist, only in the Philippines my Philippines

NABINGWIT ng mga alagad ng alak este mali batas pala ang isang pekeng dentista sa Mabini, Batangas, ng ireklamo ito ng kanyang mga naging biktima na nagpagamot.

Ika nga, bunot/ngipin?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, special ang dental equipment ng pekeng dentist dahil ang mga gamit niya sa gamot at bunot/ngipin ay mga kagamitang pang konstruksyon at pang sasakyan tulad ng tire jack, martilyo, nipper at plais.

Ika nga, walang lagare. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Polding Manibo, ang sinasabing incredible dentist ang hinuli matapos siyang makunan ng surveillance video habang sinusukatan ng ngipin ang mga alagad ng batas na nagkunwaring mga pasyente nito para magpagawa ng retainer at pustiso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa matiyak kung alambre sa sampayan ng damit ang gagamitin ng mokong. Hehehe!

Ang mga dental gadget na ginagamit ng mokong ay puro kalawangin, marumi at hindi sterile bukod pa sa wala itong suot na gloves kapag ipinasok sa bibig ang kanyang mga kamay.

Sabi nga, pwe!

Ang palusot ni Kamote ay hindi niya alam na bawal ang kanyang ginagawa?

Naku ha!

Ano ba ito?

May sira ang ulo?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with