^

PSN Opinyon

Turuan, sisihan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TILA nagtuturuan ngayon ang PNP, partikular ang CIDG at ang DOJ sa pagbasura ng mga kaso laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pa. Marami ang hindi makapa­niwala sa pagbasura ng kaso, lalo na’t inamin ni Espinosa sa pagdinig sa Senado na sangkot nga sa iligal na droga kung saan milyon ang kinikita at pinangsusuhol. Mahina raw ang ebidensiya ng CIDG, ayon sa DOJ, at hindi raw trabaho nila ang maghanap ng ebidensiya. Ayon naman sa CIDG, bakit hindi isinama ang mga pahayag, “under oath” pa nga, ni Kerwin Espinosa. Sige, magturuan pa kayo.

Panay naman ang pahayag ngayon ng DOJ na “hindi pa tapos ang kaso” laban kina Lim at Espinosa. May mga puwede pa raw gawin para makasuhan ang dalawa. Nangako naman si Chief Insp. Espenido na kung palalayain si Espinosa ay puwede niyang habulin muli. Naniniwala si Espenido na patuloy si Espinosa sa kanyang pagkakasangkot sa iligal na droga. Kung alam ni Espenido ang mga nagpapatuloy ng pagpapatakbo ng iligal na droga habang nakakulong si Espinosa, bakit hindi niya hulihin, kasuhan?

Malakas ang panawagan na rin ngayon na magbitiw si DOJ Sec. Aguirre, dahil nga sa nangyari. Malaking dagok sa war on drugs ng administrasyon, at tila nagpapatunay na mga mahihirap lang talaga ang nahuhuli o napapatay. Ayon kay Aguirre, wala raw siyang ginawang mali, at hindi raw niya alam ang resolusyon na nagbabasura sa kaso nila Lim at Espinosa. Anong klaseng kalihim pala siya, kung wala siyang alam sa nagaganap sa isang high-profile na kaso tulad nito? Bakit sa kaso ni Sen. De Lima ay tila alam niya lahat, pati nga mga personal na aspeto ng buhay niya? Dito wala siyang alam? Kapag mga kritiko ng administrasyon ang hinahanapan ng paglabag sa batas, tila alam nya lahat, pati mga pekeng balita alam niya. Dito wala siyang alam?

Ang mga humawak ng kaso sa DOJ ang pinaiimbestigahan naman ni Aguirre ngayon. Patuloy ang turuan, sisihan. Kampante naman daw si Aguirre na mataas pa rin ang tiwala sa kanya ni Duterte. Siyempre, dahil kailangan manatiling nakakulong si De Lima, hindi ba? Ang uma­ming drug lord ay absuwelto, habang ang sangkot umano sa conspiracy sa droga ay higit isang taon nang nakakulong. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with