^

PSN Opinyon

DOJ Sec. Aguirre magresign ka na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG pagkakaabsuwelto ng National Prosecution Service sa tatlong pangunahing drug personalities ay dagok sa giyera ng pamahalaan laban sa droga. Ang higit na napahiya ay ang Pangulong Rodrigo Duterte na sa simula pa lamang ay mahigpit na ang pagkasuklam sa bisyo ng droga sa ating bansa. Dahil ang NPS ay nasa direktang pamamahala ng Department of Justice (DOJ) natural lamang na may pananagutan diyan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ang sabi mismo ni Duterte, kapag ang isa sa mga pinalusot na drug suspect ay tuluyang napawalang sala, si Aguirre ang ipapalit sa kanya sa bilangguan.

Marami ang humuhula na sa pangyayaring ito, ano mang oras ay maaaring sibakin ng Pangulo sa puwesto si Aguirre, Kaya ngayon pa lang ay ma­rami na ang nananawagan sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin.

Pero ang sabi ni Aguirre, hindi siya magbibitiw. Kung ako si Aguirre kusa na akong magbibitiw sa pu­westo para isalba sa kahihiyan ang Pangulo. Kataka­taka kung bakit naabsuwelto sa prosecution level pa lang ang tatlong drug suspects na sina Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa na nauna nang uma­ming isa siyang drug lord na nagbibigay pa umano ng payola kay Sen. Leila de Lima kaya ngayon nagdurusa sa PNP Custodial Center ang Senador. Kahina­-hinala.

Hindi matatapos ang problema sa droga kung may mga awtoridad sa pamahalaan na masisilaw sa kinang ng pera. Ngayon pa lang ay dapat na marahil sibakin sa puwesto ang mga may pananagutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with