^

PSN Opinyon

Hindi inaasahang sagot sa tanong

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANGYARI na ba sa iyo na natigilan o nasupalpal ka dahil sa di inaasahang sagot sa tanong mo? Itawa mo na lang, kaysa naman ganito:

1. Ano ang kaibahan ng stress, tension, at panic?

Sagot: “Ang stress ay kung buntis ang asawa mo. Tension ay kung buntis ang querida mo. Panic ay kung pareho silang buntis.”

2. Titser ng Balarila: Alam mo ba ang kahalagahan ng period?

Bata: “Opo, kasi minsan sabi ng ate ko nagmintis ang kanya, at hinimatay si Inay, inatake sa puso si Itay, at lumayas ang driver namin.”

3. Tinanong ng bata ang ama kung ano ang kaibahan ng confident at confidential.

Ama: “Ikaw ay anak ko; confident akong sabihin ‘yan. ‘Yung kalaro mo doon ay anak ko rin; ‘yan ay confi­dential.”

4. Tinanong ng nagtitinda ng libro ang babae kung ano’ng book ang pinaka-nakatulong sa kanya sa buhay.

Babae: “Walang iba kundi ang checkbook ng mister ko.”

5. Sa bookshop nagtanong ang lalaking malapit nang ikasal, “Meron ba kayo nu’ng librong ‘Esposo: Ang Hari ng Tahanan’?”

Shopkeeper: “Comics at Fiction po ay sa 1st floor.”

6. Tinanong ang lolo: “Miski sa edad-70, ang tawag niyo pa rin kay lola ay ‘darling’, ‘honey’, ‘sweetheart’. Ano’ng sikreto?”

Lolo: “Nalimutan ko ang pangalan niya, at takot akong tanungin.”

7. Misis: “Sana dyaryo ako, para nasa kamay mo ako buong araw.”

Mister: “Iniisip ko rin dyaryo ka, para may bago ako araw-araw.”

8. Live on-the-spot TV promoter ng bagong mantikilya: “Misis, ano ang masasabi mo sa butter na ito?”

Misis: “Bwisit na butter ‘yan, nang ipatikim ko sa mga anak ko nagtae sila.” (Maselan talaga mag-live segment sa TV.)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with