^

PSN Opinyon

Ayusin ang trabaho

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman at sa kaalyado ni Pres. Rodrigo Duterte nanggaling. Ayon kay Senate President Koko Pimentel III, baka kailangan na ng PNP ng tulong mula sa mga “kaibigang” bansa sa pagturo ng “basics of police work, respect for human rights and how to obey the law”. Hindi ko na siguro kailangang isalin pa ang mga iyan sa Tagalog. Hindi sasabihin ni Pimentel ang mga iyan kung hindi niya napapansin, o aaminin na sumasama na ang trabaho at sitwasyon ng PNP. Sa sinabi niyang iyan, tila walang nagagawang maayos na trabaho ang PNP.  

Nagdurusa na raw ang bansa sa mga “deaths under investigation” kung saan halos wala namang nalulutas, walang napaparusahan. Kung tinaasan na raw ng mga sahod, tinaasan ang pondo ng PNP para sa lahat ng pangangailangan nila, dapat minamabuti ang trabaho. Sa madaling salita, dapat suklian naman ang bansa ng PNP. Dapat ligtas ang pakiramdam ng mamamayan. Ganun din kaya sa Singapore, na ayon sa isa diyan ay napapareho na rin ng Pilipinas? 

Pero ang mga bansang binanggit ni Pimentel – US, Japan, UK at EU – ay mga bansa na minsang minura na ni Duterte, na kadalasan ay sinegundahan din ng hepe ng PNP mismo. Bakit kaya hindi binanggit ang China at Russia? Hindi ba sila mga “kaibigang” bansa? Matagal nang alam ng mamamayan na malaki ang pagkukulang ng PNP. Ipinagmamalaki ang “tagumpay” sa war on drugs, pero ayaw aminin na tumaas ang mga kaso ng patayan ngayon sa buong bansa, na halos walang nalulutas. At human rights? May utos na nga si Duterte kung saan dapat ipakain ang mga taga-human rights.

Asahan na aalma si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa mga pahayag na ito, na ang katapatan ay sa Presidente. Panay ang bida sa PNP ng kanyang Oplan Tokhang. Dapat mapagtanto ni Dela Rosa na sa mamamayan dapat ang kanyang katapatan. Hindi dapat namumulitika. Para masilbihan nga ng maayos, at hindi mapuna ang mga malinaw na pagkukulang na binanggit na ni Pimentel. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with