^

PSN Opinyon

Kakalma ka ba, o kakabahan?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TINANONG ng brodkaster ang PNP spokesman kung paano maiiwasan ang raket sa kalye na bumibiktima sa nag-iisang driver. Malabo ang sagot. Sa raket, babanggain ng balde ng kunwari’y magtataho ang gilid ng dumadaang kotse, tapos magsisirko at bubulagta sa daan. Hihinto ang driver para alukin ang “kawawang” lalaki na ipa-ospital. Tatanggi ang huli at hihingi ng P2,000 para sa tumapong taho at “pampagamot.” Magbibigay ang driver para makaiwas sa ano pang perhuwisyo. Sa bahay na lang niya mababatid, batay sa sira sa gilid imbis na sa harap ng kotse, na siya pala ang binangga kaya walang kasalanan.

Ang payo ng spokesman du’n ay “mag-ingat.” ‘Yon lang, e maingat naman talaga ang drivers? E ano naman ang payo niya kung may kasapakat ang “magtataho” na nanakawan ng gamit sa loob ng kotse habang abala ang driver sa pagtulong sa “nabundol”? Dapat, anang spokesman, kasuhan din ang mga kasapakat. Talaga? At paano kaya ipe-presinto ng nag-iisang driver, lalo na kung babae, ang tatlong maton para ihabla ng panggagantso?

Samantala napabalita ang insidente sa Pasay kung saan tumalon sa kamatayan mula sa balkon ng high-rise condo ang lalaking bangag sa LSD. Anang nobya, nag-hallucinate ang lalaki na siya’y superhuman na nakaka­lipad. Ayon sa ulat, hindi umano mailista ng imbestigador na suicide ang nangyari, kundi aksidente, dahil lango sa droga ang tumalon. Huh? Tanong: e kung ang lalaking naka-droga ay nanggahasa at pumatay, ano ang itata­wag ng imbestigador doon, aksidente din?

Nu’ng linggong ‘yon tinanong ang PNP chief kung sa palagay ba niya ay kayang yugyugin ng mga kritiko ang gobyernong Duterte. Bigla siya’ng nagwala at hinamon ang mga kritiko na “kung gusto nila magkudeta e di giyera tayo.” Kudeta? Di ba ang kudeta ay mabilisang pag-agaw ng pulis o militar ng poder? Meron bang gan’ung pakana? Di ba ang sinasabi nilang nanggugulo ay Islamist at komunistang terorista?

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with