^

PSN Opinyon

Walang pakialam?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ano ba naman itong si Senador Cynthia Villar, matanong lang kung ano ang kaniyang interes sa isyu ng Boracay, sagot agad niya, “wala akong pakialam!”

Buti na lang nilinaw niya na ito ang kaniyang sagot tungkol sa negosyo ng kaniyang pamilya sa Boracay dahil siya ang punong pakialamera, este mali punong abala pala sa Senado tungkol sa usapin ng pagsasaayos ng buong Boracay Island.

Maliit lang daw ang negosyo ng kaniyang pamilya sa Boracay at hindi naman daw siya nakikialam doon. 

Siyempre, hindi din siya dapat pakialaman ng sinumang kamag-anak na bahagi ng negosyo ng pamilya. 

Kung ang mga asset ng mga kuwago ang tatanungin, mukhang may problema si  Aling  Cynthia?

Dahil may interes na nga ang kaniyang pamilya sa Boracay, bakit siya pa ang mausyoso sa isyu?

Kahit hotel o sari-sari store lang ang kanilang negosyo, hindi dapat siya nangunguna sa Boracay isyu. 

Sabi nga, ang tawag diyan “delicadeza!’

Napansin lang kasi ng isa nating kuwagong makulit na nangingisay, ang mga pinaggagawa ni Aling Cynthia, at biglang hiyaw niya. ‘eto na naman sila!”

Dahil nga siguro  ang kanilang pamilya ay kilalang mga negosyante at pulitika, lagi na lang may duda sa kanilang mga ginagawang serbisyong bayan.

Tulad na lang ni dating Senador Manny Villar, na tinaguriang “Brown taipan” dahil nakahilera na siya sa pinaka-mayamang mga Pilipino, na walang dugong Tsino.

Kahit anong pa-pogi ng kaniyang asawa, laging idinidikit ang kaniyang trabahong political sa negosyo ng pamilya. 

Bigla ko tuloy naalala ang “Daang-hari.”Hehehe!

Si Mark Villar naman sinuerte at  napasama sa Gabinete ni Boss Digong at ang  nakuha pang puesto ay pagiging kalihim ng Department of Public Works and Highways. Haay, buhay  nga naman!

Balik isyu tayo kay  Aling Cynthia.

Hindi naman daw siya talaga pulitiko kahit senador, dahil tiyak ayaw niyang masabing isang “trapo.’  

Basta tuluy-tuloy lang ang kaniyang serbisyo publiko, sabi niya.

Pero hindi naman talaga mai-aalis  kay Aling Cynthia ang pagdududa ng ilang mga makukulit sa ating lipunan.

Hindi naman talaga maipagkakaila na lumaki ang kanilang negosyo habang ang kanilang pamilya  ay nasa larangan ng pulitika. 

Ayos na sa akin ang paliwanag na  sa “sipag at tiyaga” nakukuha ang tagumpay sa anumang  gawain natin sa buhay.

Para tuloy  gusto  ko nang maniwala sa dating sinabi ng isang mayamang Senador noong unang panahon ng bigla siyang maiskandalo. 

Ano iyon?

Hindi daw nagnanakaw ang mayaman.  Ngyak!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with