^

PSN Opinyon

Lehitimong miyembro

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay Admiral Fred Villanueva, ang 101st Manila­ Yacht Club Squadron ang lehitimong miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), na itinaguyod noong 1973. Sila raw ang unang PCGA sa bansa. Rehistrado rin daw sa Securities and Exchange Commission(SEC). Lahat daw ng kanilang miyembro ay awtorisadong magsuot ng uni­porme. Miyembro daw nila si Usec. Diño mula Enero ng taong ito. Hindi daw maintindihan ni Villanueva kung bakit hindi sila kinikilala ng Philippine Coast Guard (PCG). Muk­hang naungkat ang problema ng dalawang grupong ito.

Ang Philippine Coast Guard ay itinaguyod noong 1967. Ang pangunahing tungkulin ay ang pagpapatupad ng ating batas-karagatan. Kabilang dito ay ang proteksyon ng ating teritoryo, proteksyon ng ating likas na kayamanan sa karagatan, paghanap at pagsaklolo sa mga nangangailangan sa karagatan at pagbantay ng seguridad ng bansa. Ang Phi­lippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ay mga sibilyang boluntaryo na sumusuporta sa mga tungkulin ng Coast Guard o Navy. Hindi sundalo ang mga miyembro ng PCGA. Ang tungkulin ng PCGA ay makikita tuwing may kalamidad, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Sinusunod ng PCGA ang mga ranggo ng PCG, pero hindi sila sundalo, para malinaw lang.

Ayon kay DILG USec. Martin Diño, sinuot niya ang uniporme sa isang seremonya sa Batangas. Ang unipormeng suot ni Diño ay may mataas na ranggo na may maraming tsapa at “ribbons” na nakakamit sa linya ng tungkulin. Pinuna ng PCG ang kanyang pagsuot ng uniporme ng ma­taas na opisyal ng PCGA, kahit hindi siya umano miyembro nito. Baka may paglabag pa daw sa batas. Pero para wala na lang daw gulo at matapos na ang isyu, “bumitiw” na si Usec. Diño bilang boluntaryo ng nasabing PCGA. Dahil ayaw makialam ng Palasyo, dapat maging malinaw ang isyung ito sa pagitan ng PCG at ng grupong sinasabi ni Villanueva. Lehitimo man o hindi, kailangan opisyal na magsalita ang PCG tungkol dito. Para wala nang isyu kung may magsusuot pa ng uniporme ng sangay ng gobyerno, lalo na ng mataas na ranggong opisyal con todo tsapa at “ribbons”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with