^

PSN Opinyon

Biyakan blues sa kontrata ng MRT-3?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY hawak na ‘alas’ pala ang Malacañang, kakanta daw ito kahit sintunado tungkol sa mga nangyaring anomalya diumano noong past administration sa pondong ibinayad para sa maintenance contract ng MRT 3?

Sabi nga, may mga diumano’y nag-interes at kumita?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kaya pala palaging nagkaka-hetot-hetot ang operasyon ng tren dahil kinakaltasan ang salapi at katiting lang ang napupunta sa paggawa?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi nga, tatlong partihan ang biyakan nangyayari.

Ika nga, 1/3rd, one third lang ang style ng biyakan blues.

Totoo kaya ito?

Alam daw ng singer kung paano nangyayari ang diumano’y hatian sa pondo para sa maintenance provider ng MRT - 3.

Sabi nga, patay!

May lumulutang na tinaguriang Pangasinan group, political machinery at sa kontrata ng maintenance provider ng MRT - 3.

Sabi nga, kulangot lang daw ang napupunta sa maintenance ng MRT-3.

Bakit?

Sagot - pinaghatian nga daw, noh?

Anuman oras mula ngayon ay may lulutang para kumanta oras na natapos ang ginagawang documentary evidence.

Sabi nga, just wait and see!

The other day ay nagbigay ng marching order si Boss Digong sa OSG Secretary Jose Calida na kasuhan ang mga dating top brass official ni P. Noy na sina dating DOTC secretary Mar Roxax, Budget Secretary Butch Abad at si dati rin DOTC secretary Emilio Aguinaldo Abaya dahil sa mga naranasan hinagpis ng mga MRT 3 passenger.

Ang Busan Universal Rail, Inc. o BURI, isang Korean contractor ng MRT -3, ang naging maintenance provider nito na ipinalit sa Sumitomo ng Japan.

‘Magkabukuhan kaya?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

* * *

Nograles, kapakanan ng mga bata ang mahalaga

BINASBASAN ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Appropriations Committee, na bigyan ng fun­ding provision ang isang panukalang  batas na nag-uutos sa mga magulang ng mga bata na bantayan, imonitor at huwag basta-basta payagan lumabas ng bahay kapag dis-oras ng gabi o kaya matulog sa kalye para malayo sa dengvaxia este mali disgrasiya pala sila.

Ang itinulak na House Bill No. 894 o  ‘An Act prohibiting unchaperoned children from roaming, loitering or sleeping outside their abode during unsafe hours, prescribing penalties for their parents or guardians.’

Ibinida ni Nograles, ang panukalang batas na ito ay dati nang inaprubahan ng committee on the Welfare of Children na iniakda ni Quezon Rep. Angelina Tan.

Nagmamalasakit si Nograles, para matiyak ang proteksyon ng ating mga anak mula sa lahat ng mga anyo ng karahasan, pang-aabuso, kapabayaan, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad.

Magiging unlawful para sa mga magulang at tagapag-alaga na sadyang o sa pamamagitan ng hindi sapat na kontrol, payagan ang mga bata na lumaboy, maglimayon, o pagtulog sa anumang pampublikong lugar mula ng 10pm to 5am,  nang walang sapat na dahilan.

“Kailangan ito ng mga magulang para malayo sa disgrasiya ang kanilang mga children bukod dito ay may kaparusahan ang isang magulang o tagapangalaga oras na nagpabaya at hindi sinunod ang alintutunin na ito.’ paliwanag ni Nograles.

Ang mga barangay captains ang siyang inatasan magpatupad ng batas.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with