^

PSN Opinyon

La Viña sa tourism?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

“GALIT ako sa corrupt!” Iyan ang madalas bukambibig ni Presidente Duterte na marami na ring sinibak na kila­lang personal appointees niya.

Kabilang dito si Gabriel “Pompee” La Viña na inalis bilang commissioner ng Social Security System (SSS) dahil sa ilang iregularidad. Kilala natin si Digong. Walang sina­santo kahit malapit na kaibigan.

Nang hawak ni La Viña ang timon ng SSS, inakusahan siya ng apat na opisyal ng ahensya ng pagmamanipula sa pondo ng SSS. May sarili daw listahan si La Viña ng mga stockbrokers na pinapaboran na humawak ng pondo ng ahensya.

Bumagsak ang presyo ng mga stocks ng mga kum­panya na pinaglagyan ng mga investments ng SSS. Nalugi ang mga miyembro. Mantakin ninyo ang 3.5 milyon na pensyonado ng SSS na puwedeng maapektuhan kung nagtagal pa ang anomalya.

Ani Presidential Spokesperson Harry may iba pang mga isyu kay La Viña. Nadiskubre umano ng Pangulo na binabraso niya ang pamunuan ng SSS na bigyan ng P26 milyon na budget ang isang social media campaign na gusto niyang ipatupad.

Nang hindi aprubahan, humingi na lang daw siya ng P1.6 milyon na budget kada buwan para sa advertising sa social media. Ngunit dahil sa austerity measures na ibig ipatupad ni Presidente Duterte, hindi rin ito inaprobahan.

Ngayon, pinupuntirya na naman umano ni La Viña ang iba pang pwesto sa gobyerno sa ilalim ni Pangulong Duterte gaya ng Department of Tourism. Ginagamit daw niya ang kanyang pagiging malapit kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go para matamo ang hinahangad na puwesto.

Kung nais makatulong ni La Viña sa Pangulo, manahimik na lang siya. Kung talagang seryoso si La Viña. Tularan ang pinsan niyang si Peter La Viña na piniling tumulong na lang sa Pangulo ng walang pwesto at magtrabaho sa pribadong sektor matapos siyang matanggal bilang Administrator ng National Irrigation Administration (NIA). Kung kaibigan mo ang Pangulo, huwag na siyang ibilad muli sa kahihiyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with