^

PSN Opinyon

Mga dapat managot sa Dengvaxia issue

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga pambungad kong tanong kay Department of Health Secretary Francisco Duque III sa aming unfil­tered interview, malalagay ba sa alanganin si dating Health Secretary Janette Garin?

“Kailangang may managot,”sagot ni Secretary Duque. Malinaw na malinaw.

Sa usapang culpability at accountability issue sa Deng­vaxia Vaccine, sang-ayon ang kalihim na dapat panagutin ang mga mapapatunayang may sala at may paglabag sa batas. Alam naman ng lahat kung sinu-sino ang mga indibidwal na nasa mainit na tubig ngayon.

Ayaw pangunahan ni Duque ang mga imbestigasyon at magturo. Pero sinabi niyang kailangang depensahan­ ni Garin at ng Sanofi Pasteur ang patung-patong na kaso. Dito papasok ang kawalan ng due diligence at breach of protocol. Lalabas at lalabas ang katotohanan kung talagang minadali ang Dengvaxia.

Sa di malamang dahilan, inaprubahan itong buwisit na bakunang ito. Blanko si Duque sa nangyari dahil pa­nahon ‘yun ng mga dilaw. Para sa parte niya, agad-agad niyang pinatigil ang vaccine implementation isang araw matapos sumabog ang isyu. Gusto niyang linawin na siya ang nagpatigil sa pamanang kalokohang ito.

Tinanong ko si Duque kung anong status ng Dengva­xia. Sa ngayon, hinahabol pa rin niya ang bilyong pisong halagang refund dahil sa perwisyo – este, sa kademon­yohang dinulot ng bakuna. Pahirapan pa ang singilan dahil todo tanggi ang Sanofi. Naghihintay rin ng resulta para maobligang magbayad ng danyos.

Nabanggit din ang imbestigasyon ng Food and Drug Administration (FDA). Aniya, noon pa ma’y alam na ng Sanofi ang epekto ng Dengvaxia at nagawa nila ‘tong sabihin sa Singapore.

Ganunpaman, natuloy pa rin ang transaksyon sa Pilipinas. Dalawang senaryo ang maaaring nangyari: Alam ng nakaraang administrasyon ang epekto ng Dengvaxia o nagsinungaling ang Sanofi.

Non-disclosure of the truth is tantamount to lying. Sanofi, Garin, et al., get it?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with