^

PSN Opinyon

Joint exploration sa West Philippine Sea

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MABUTING panukala ang joint exploration sa West Philippine Sea o South China Sea. Subalit ito’y hindi lang sa pagitan ng Pilipinas at China kundi isama rin ang iba pang bansang naghahabol sa karagatan.

Ito lang ang naiisip kong remedyo upang pansaman­tala man lang ay mapigilan ang pagsiklab ng tension sa rehiyon. Matagal na laban kasi kung patuloy na magta­talutalo ang mga bansang umaangkin sa karagatan. Kung hindi gagawan ng paraan na pansamantalang isaisan­tabi ang pag-aangkin, nanganganib tayong magkaroon ng digmaan hindi lamang sa Asia kundi buong daigdig.

Habang matigas ang ulo ng China sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla at pasilidad sa mga teritoryong saklaw ng Pilipinas, mukhang mapanganib ito. Baka matalo tayo sa teknikalidad kung hindi tatalikod ang China sa paha­yag na kanila ang nabanggit na karagatan.

Kontrobersyal ngayon ang umano’y kasunduan ng Pili­pinas at ng China hinggil sa magkatuwang na eksplo­ras­yon sa pinagtatalunang karagatan. May tumututol at mayroon din namang sumusuporta.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, obli­ga­dong sumunod ang China sa mga batas ng Pilipinas sa gagawing joint exploration. Ngunit paano mo ma­aasahang sumunod sa ating batas ang China kung iginigiit nila na sa kanila ang naturang rehiyon. Nagtayo na nga sila ng base military doon, pinangalanan pa nila ang ilang undersea feature ng Philippine Rise.

Kaya kung joint exploration ang pag-uusapan, huwag lamang ang China ang isangkot kundi lahat ng mga ban­sang umaangkin sa karagatan. Magkaroon muna ng top-level negotiation upang ang lahat ay mabigyan ng patas na pagkakataong makinabang sa likas na kayamanan ng pinagtatalunang karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with