^

PSN Opinyon

MRT-3 tren maayos kaya ngayong Marso?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LIMA hanggang pitong tren, o 15 hanggang 21 bagon na lang ang napapaandar ng MRT-3. ‘Yan ay mula sa dating­ 24 na tren, o 72 bagon, bago ito sinalbahe ng palsipika­dong maintenance contractor. Sa daan-libong tao na nais sumakay sa peak hours sa umaga’t hapon, nagkaka-trapik sa pila sa kalye sa mga istasyon. Kinailangan magdagdag ng bus sa E. delos Santos Avenue, main artery ng Mega Manila na binabagtas ng MRT-3. At kapag barado ang EDSA, buong megapolis ay apektado.

Sana matupad ang pangako ni Transport U-Sec. for Railways Timothy John Batan na makukumpuni karamihan ng bagon maka-Holy Week. Darating na umano nga­yong Marso ang mga inorder niyang spare parts at components, at isasalpak agad ng technicians.

Nag-aalala lang ako. Lumapit kasi sa akin ang ilang exclusive dealers ng original parts at components. Nabasa raw nila sa diyaryo ang mga pangako ni Batan. Pero nagtataka sila kung bakit hindi pa ito umo-order sa kanila. Wala naman ibang kukuhanan ng piyesa ang MRT-3 kundi sila. Sila na ang supplier ng Sumitomo-Mitsubishi, original maintenance contractor nu’ng 2000-2012. Walang ibang suppliers, maliban lang kung fake parts ang ikakasa, na hindi naman siguro gagawin ni Batan.

Halimbawa ay ang ekslusibong distributor ng ThermoKing aircon at parts. Pinasasadya pa ang mga ito sa pabrika sa Europe. Kung umorder ngayon, mga apat hanggang anim na buwan bago ma-deliver. Alangan naman punuin ni Batan ang mga tren nang walang aircon. Hihimatayin sa init ang pasaheros.

Tatlong aircon sa bawat bagon. Sa totoo lang merong sobrang units para sa siyam na bagon, sa ThermoKing factory. Hindi na-deliver matapos subain ito ng Busan Universal Rail Inc., palpak na maintenance nu’ng 2016-2017. Hindi binayaran ang unang 18 units nu’ng 2017. Usap-usapan ang MRT-3 ng train parts suppliers sa mundo.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with